ELEVEN

681 25 2
                                    

Kind's peace of mind is soaring. She could feel the small waves of water on her skin. At talaga namang nakare-relax iyon. It felt like she is floating on her own little world. She never felt something like that before.

Ngunit agad din niyang naimulat ang mga mata nang hindi na marinig ang tawanan nina Danita at Mina. Tumigil siya sa pag-float at naiapak ang kaniyang mga paa sa buhangin sa ilalim. At nang makita niya ito ay parehas awang ang labi ng dalawa habang nakatingin sa direksyon niya. "What?" She said without any sound.

Unti-unting humaba ang nguso ng mga ito na animo'y may itinuturo na kung ano sa kaniyang likuran. Agad naman siyang lumingon at natigilan.

"Cruel?" Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ang binata. Nakatayo ang binata sa kaniyang likuran at walang kangiti-ngiti sa labi. What the hell is he doing here? Tanong ng kaniyang isip. Naka-topless ang binata at kitang-kita niya ang maliliit na butil ng tubig sa katawan nito. She must say, he has a really nice body. Pinigilan pa niya ang sarili na mapatitig doon. He does not want him to think that she is some kind of a pervert.

Tatanungin pa lamang sana niya ang binata kung ano ang kailangan nito nang bigla siyang mapatili. Walang sabi-sabi siya nitong binuhat paangat mula sa tubig at walang kahirap-hirap siyang ipinasan sa balikat nito na parang isang sako ng bigas.

It was just like yesterday! Kahapon nang kauna-unahang beses nilang magkita ay binuhat rin siya ng binata na tulog niyon, ang kaibahan nga lang ay ginawa iyon ng binata sa harap ng mga katrabaho niya! At sigurado siyang gulat na gulat na rin ang mga ito sa biglaang pangyayari.

"Ibaba mo ako! Ano ba!" Mukhang aaraw-arawin na nito ang pagbuhat sa kaniya. Balak pa yata siyang gawing Sinandomeng ng mokong na ito. Sunud-sunod na hampas ang iginawad niya sa likod ng binata. Pati na rin ang iba pang mga bakasyunista ay nakikiusisa na rin sa kumosyong ginawa ng binata. Ngunit tila walang pakialam doon si Cruel. Hindi ito natinag kahit inaagaw na nila ng atensyon ng mga tao.

Malalaki ang hakbang ng binata nang bitbitin siya nito patungo sa Hotel Buenavista. Maging sa mga mata ng lahat ng empleyado sa loob ng hotel ay talagang hindi sila nakatakas.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kanilang dalawa? Talagang mapapamaang ka na lamang kapag nakita mo ang masungit na may-ari ng hotel na may bitbit na isang babae. Parehas pa silang basa at nakayapak. Kahit medyo nahihilo na siya ay kitang-kita pa rin niya ang bawat bakas ng mga paa ng binata na nag-iiwan ng bakas ng buhangin sa puting-puting sahig ng hotel. Mababaliw talaga siya sa kahihiyan sa ginagawa ng baliw na lalaking ito. Parang gusto tuloy niyang itago ang mukha mula sa mga hindi makapaniwalang ekspresyon ng mga empleyado sa loob ng hotel.

"Ano ba! Ibaba mo ako! Nahihilo na ako!" Reklamo niya at muling hinampas ang matigas nitong likod. Nang makapasok sila sa elevator ay saka pa lamang siya marahas na ibinaba ng pesteng binata. "Ano ba ang problem mong mokong ka ha!" Galit niyang sigaw rito at binigyan ito ng matalim na tingin.

Hindi nito sinagot ang reklamo niya, basta nakita lamang niya na pinindot nito ang button na may letrang 'P'. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang palapag kung nasaan ang penthouse. Penthouse? At ano naman ang gagawin nila sa palapag na iyon?

"Saan mo ko dadalhin?" Muling tanong niya na hindi na naman nito sinagot. Nakaramdam siya ng kakaibang inis at napagkrus na lamang ang nga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. Wala na siyang nagawa kundi ang manahimik kahit pa ang daming katanungan na nabubuo sa magaling niyang isip. Saan siya nito dadalhin? Sa penthouse? Huwag mong sabihin na doon kasalukuyang namamalagi ang binata? Kung oo, ay bakit doon sila pupunta? Ilan lamang iyan sa mga katanungan niya.

Hindi maikakaila ang pagkainis sa kaniyang mukha. Her whole body is dripping wet, at nararamdaman na rin niya ang lamig dahil sa aircon ng hotel. Pinatatag niya ang sarili kahit nag-uumpisa nang manginig ang kaniyang tuhod.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon