Hindi malaman ni Kind ang gagawin. Nakatayo lamang siya roon habang nakatingin sa kapatid. He knows her, that's for sure. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi na rin niya kinailangan ng appointment ngayon upang makausap lamang ito. He even called her 'his little sister.'
Ito na iyon, hindi ba? Ang pinakahihintay niyamg sandali? Ang mahanap at makausap ang kapatid at ang kaniyang ama na matagal na niyang hindi nakasama. Ito na iyon; ang pagkakataong iyon.
Kaya bakit tulala siya ngayon at hindi alamal ang gagawin. She even prepared for this day, ang mga salita niya, ang mga gusto niyang sabihin at itanong sa nakatatandang kapatid, lahat iyon ay napag-isipan na niya. Everything was laid out on her mind organizedly. Ngunit ngayon, parang lahat nang iyon ay nakalimutan na niya. Hindi siya makapagsalita sa harap ng kapatid.
"Look at you. You are all grown-up now. I did not even expected that you'll find me this soon." Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi nito, at sa hindi niya malamang kadahilanan ay parang hindi niya gusto ang ngiting iyon.
Something felt off about her brother's smile. It makes her feel that something is wrong. Kaya naman hindi siya lalo makapagsalita.
"Do you want to sit first?" Itinuro nito ang isang upuan malapit sa desk nito. Kusa namang gumalaw ang kaniyang mga paa at naupo roon. Pinulot din niya ang dalang bag kanina at ipinatong iyon sa kaniyang hita.
"I've... I have been looking for you... and dad." Utal-utal niyang sabi, hindi alam kung paano sisimulan ang konbersasyon nilang dalawa. Humigpit ang hawak niya sa handle ng bag na dala. "Mom was already deceased."
"So was Dad."
Agad siyang napatingin sa kapatid nang marinig ang sinabi nito. Patay na... ang kanilang ama...?
Then why? Why is he smiling so wide? Was his brother always like this?
Hindi niya maintindihan.
"Heart attack. It was already five years ago. He died way before... Mom."
Saglit na saglit lamang iyon, ngunit hindi nakatakas sa mapag-obserba niyang mga mata ang mumuting hesitation sa mukha ng kaniyang kapatid nang sabihin nito ang huling salita.
"Mom died because of a heart disease too." She informed him. Pagkatapos niyon ay matagal na katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya alam ang tumatakbo sa utak ng kaniyang kapatid. Alam niyang hindi inaalis na kapatid ang tingin nito sa kaniya. She could see it on her peripheral vision. She kept her expression blank. Walang kangiti-ngiti sa kaniyang labi.
This is not how she portrayed their first meeting in mind. She and her brother. She always imagine how moving it is gonna be, how touching, how they will embrace each other after not meeting since childhood. She even dreamt yesterday night how she and her brother will talk about things. She dreamt of a happy conversation; the two of them catching up on each other's lives.
Ngunit hindi iyon ang nangyayari ngayon. Her brother is somewhat cold. And he tries to hide it with a smile plastered on his lips.
Mukhang hindi ito masaya na makita siya.
She's been a wedding organizer for years now. At kung may masasabi siyang isa sa mga bagay na natutunan niya sa kaniyang trabaho, iyon ay ang pagiging observant. It is as if her eyes alread know what kind of person is in front of her. She sometimes notice even the slightest eye movement. And her own brother can't get pass that.
"So, you are here because you need money, right? How much do you need to pay all those debts?"
Natigilan siya nang marinig ang sinabi ng kapatid. Nagpanting ang tenga niya roon. Naikuyom niya ang mga kamao.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...