Natitigan ni Kind ang napakataas na gate sa kaniyang harapan. Sa labas niyon ay may nakasulat na SAN ESTEBAN FURNITURES. Awang ang kaniyang labi. Hindi naman siya nagkakamali ng address na napuntahan ngunit hindi niya inaasahan na napakalawak pala ng kumpaniyang iyon. Patanghali na nga siya nakarating roon, dahil bukod sa matagal siyang naghintay ng masasakyan ay na-traffic din siya.
"Ano hong sadya ninyo, Ma'am?" Tanong sa kaniya ng isnag guwardiya na nasa loob ng guardhouse sa gilid lamang ng gate. Agad siyang lumapit dito at ipinakita ang calling card.
"Manong guard, nagpunta po ako dito for appointment. I need to meet Mr. San Esteban and one of your staff told me to come here and make an appointment."
"Ano pong pangalan nila, Ma'am?"
"Kind Liliya Belmesova."
"Okay po, Ma'am Kind. Saglit lang po ha." Nakita niyang may tinawagang numero ang guwardiya sa pulang telepono sa harapan nito, may saglit na kinausap doon, at pagkatapos ay nagsulat sa tila isang logbook. Pinapirma siya roon ng guwardiya at ipinalagay ang contact number niya. Tinawagan pa nga nito ang contact number niya upang masiguradong gumagana iyon. At pagkatapos ay kinakapkapan siya ng isang babaeng guwardiya.
Maluwag siyang nakahinga ng papasukin na siya ng mga ito sa gate. Napakahigpit pala ng seguridad doon. Sabagay, ano kumpanya nga naman ba ang hindi mahigpit ang seguridad? Lalo na kung sa panahon ngayon, lahat ng bagay ay maaari nang manakaw; original recipes nga, nananakaw, design pa kaya ng mga furnitures?
San Esteban Furnitures are top class. Limited Edition ang lahat, at bilang lamang palagi ang bawat disenyo na kanilang inila-launch. They are top in quality and design. Kaya naman karamihan ng iba pang kumpanya, mga hotels at malalaking mansyon sa loob at labas ng bansa ay dito nagpapagawa. Even some of the Greece's Santorini Palace's furnitures, where the well-known Thalassa royal family is residing, were from San Esteban Furnitures. Malalaking kumpanya at mga bigating tao ang affiliated sa kumpanyang ito. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit tumataginting din ang halaga ng mga furnitures doon.
Kung gaano siya kamangha sa labas ng gate ay mas nadoble pa ang pagkamangha niya pagpasok roon. Talagang napakalawak niyon. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas ng main building. Sa hindi kalayuan ay kita niya ang napakaraming truck ng materyales at ang ilang mga tauhan na iniinspeksyon ang kalidad ng mga materyales.
May malaking warehouse at workshop din siyang nakita. At kahit malayo siya sa mga iyon ay rinig na rinig niya ang ingay ng paggawa ng mga furnitures.
"Ma'am, this way po." Magalang na sabi sa kaniya ng babaeng guwardiya, na siya ring nagkapkap sa kaniya kanina sa may gate. Itinuro nito ang daan kung saan siya dapat pumunta.
"Salamat po," agad niyang pasasalamat at naglakad patungo sa direkyon na itinuro nito, ang main building. May guwardiya muli sa pintuan ng building. At tulad kanina sa may gate ay pinag-log muna ng mga ito sa isang logbook at chineck ang laman ng maliit na bag na kaniyang dala, bago siya tuluyang pinapasok.
Siguro naman ay wala nang iba pang guwardiya mamaya? Sarkastikong tanong ng kaniyang isip.
Lumapit siya sa information desk at sinabi sa lalaking staff na naroon ang sadya niya.
"Hello, I am Kind Liliya Belmesova, the one who called yesterday. I am here for an appointment schedule." Ipinakita niya rito ang calling card.
"Ah yes, I remember you, Miss Belmesova. I have already forwarded our conversation to Mr. San Esteban's secretary. Please wait for a moment as I call him to inform that you are here."
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
Fiksi UmumKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...