Kabanata 16

215 11 6
                                    

Kabanata 16

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng marahang pagbukas at pagsara ng pinto. Papikit pikit pa ay sinubukan ko na tuluyang idilat ang aking mga mata.

"Gustavio?" Mabilis akong bumangon at umupo sa dulo ng kama.

Imbes na sumagot ay naglakad ito hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Naka t-shirt ito na kulay itim at maong na pantalon. Nakita ko din ang sinampay nitong leather jacket sa couch, malapit sa pintuan.

Tumingin ako sa wall clock. Saktong alas tres ng madaling araw.

"Saan ka nagpunta?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Sa ibaba." Tipid na sagot nito. Kahit dim lang ang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong silid ay nakikita ko pa rin ang pag galawan ng panga nito.

Huminga ako ng malalim. Walang sabi-sabi ay hinawi ko ang kanyang damit pang itaas at kaagad na sinilip ang sugat.

At hindi nga ako nagkamali. Malakas na naman ang daloy ng dugo na lumalabas doon.

"What did you do this time? The doctor already told you to rest. Wag na wag munang gagawa ng biglaan na galaw."

"I don't care about the doctor's said."

"Well...ako may pakialam." Kaagad kong sagot sa kanya. Galit din na nakipagtitigan sa kanya.

Tumayo ako mula sa kama at naglakad papasok ng banyo.

Nang makarating ay kinuha ko ang panlinis ng sugat nito. Pagkatapos ay naghugas ng kamay.

Hindi pa ako halos nakakatapos sa ginagawa ay nakita ko na siyang pumasok din sa loob ng banyo.

Ang kaibahan nga lang ay wala na itong suot pang itaas. Tanging nakapantalon lang at ang benda sa bandang bewang.

May sasabihin sana ako ng bigla niya akong pinaharap sa kanya at ini-upo sa ibabaw ng sink, patalikod sa may malaking salamin.

He positioned himself between my thighs.

Titig na titig ito sa aking mga mata.

"I'm going to keep you. Cecilia. Whatever happens."

Wala man akong maintindihan sa sinabi niya ay hindi iyon hadlang para hindi manginig ang tuhod at manlamig ang sikmura ko dahil sa lalim ng boses nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Are you...okay...." naging mabagal ang pagsasalita ko ng makita ang bakas ng dugo sa isang kamay nito.

"Please tell me...dahil lang yan sa sugat mo.."

Hinintay kong kumpiramahin niya iyon pero hindi nangyari. I looked at his eyes.

"You were in the basement." I said.

Kahit hindi nito sagutin ay sigurado na akong doon nga siya nanggaling base sa muling pag-igting ng panga nito.

"You kill them?" Mahina kong tanong.

"They don't deserve death for now." Blanko ang mga mata ay sagot nito sa akin.

My right hand went to his back. Pinagapang ko iyon doon. Naramdaman ko ang ginawang paghapit pa ng katawan niya sa akin dahil doon.

"Calm down.." bulong ko sa tenga niya.

His nose brushes the soft part of my ear. And there... breathe out and inhaled again, slower this time.

Nang sa palagay ko ay kalmado na ito. Unti unti ko ng kinalas ang mga kamay niya. Tumingin ulit ako sa kanya para tingnan ang reaksyon niya. May pagtataka doon pero hindi na nakipagtalo pa at hinayaan na lamang ako.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon