Epilogue

265 14 4
                                    

Go where your heart finds true happiness.

Epilogue

"Gustavio Amuer, tinatanggap kita bilang kabiyak ng aking buhay. Sa harap ng Diyos at sa lahat ng mga taong saksi sa kasalang ito ay isinusumpa ko na mamahalin at aalagaan ka hanggang sa kahuli-huliang araw na hahayaan ako ng Diyos na mabuhay dito sa mundong ibabaw..."

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Gustavio sa kamay ko nang magsimula akong magsalita para sa aming Wedding Vows.

Maybe because he got surprised. Wala kaming naihandang speech ngunit ay okay lang. I will still say my vows to him anyways.

"...mamahalin kita kasama ang lahat ng kahinaan at kalakasan mo, habang inaalay ko ang sarili ko saiyo kasama rin ang lahat ng kahinaan at kalakasan na mayroon ako..."

I rubbed my thumbs to the back of his palms, as I look into his bloodshot eyes.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"...At dadamayan kita sa bawat kalungkutan at kaginhawaan na dadating sa buhay nating dalawa. Mahal na mahal kita..."

Kanina habang hinahatid ako ni kuya Allegor papunta sa harapan kung nasaan si Gustavio na nakasuot ng mahabang manggas na kulay puting damit at pormal na itim na pantalon ay ang mga salitang iyon ang nabuo sa isip ko.

Habang naglalakad ako at nakatingin sa kanya...para itong prinsipe na naghihintay sa akin sa harapan ng altar kasama ng isang Pari.

Sinuot ko ang wedding gown ni mommy Adelisa. Na tinago tago pa ni mommy sa dating bahay namin. Si kuya Allegor ang nagdala niyon kasama si Bethany na niyakap ako ng mahigpit habang umiiyak.

"Nakakainis ka. Atleast sa akin propose lang. Ikaw kasal agad? Agad agad talaga Cecilia?!" Umiiyak na sabi nito sa ibabaw ng balikat ko.

Kahit naiiyak ay pinipilit kong huwag umiyak. Mapapagalitan ako ni Emeraude dahil masisira ang pag aayos niya sa akin.

Speaking of her. I really should thank her because of her huge effort. Halos siya ang naging abala para sa biglaang kasal namin ni Gustavio.

Mula sa pag aayos dito sa maliit ngunit napakagandang kapilya ng Gambale na matatagpuan sa ibabaw ng burol, na ngayon ay napapalibutan ng mga bagong pitas na daisies. Sa pag aayos ng wedding gown ko at sa akin.

She is really our godmother. A fairy godmother.

"...you look like your mom, Lia." Ani pa nito kanina habang inilalagay sa ibabaw ng suot suot kong mantilla na belo ang isang koronang gawa sa mga bulaklak na daisies din.

Emeraude, Mommy Farina and my mommy Adelisa, are friends. Very close like true sisters.

Sa kanya ko nalaman na ninang namin siya ni Gustavio sa binyag.

"Sana nakikita nila ito ngayon, Emeraude..." madamdamin kong sabi sa kanya.

Malambing itong tumingin sa aking mga mata. "For sure they are...up there." She lift my chin. "Cheer up. This is your wedding day...so smile okay?" Sabi pa nito sabay abot ng bouquet na daisies din.

Tumango ako at huminga ng malalim.

Tumingin ako sa buong lugar. Siguro hindi ito ang pinaka engrandeng kasal na katulad ng napapanood at nababasa ko ngunit para sa akin hindi na iyon mahalaga. Our wedding is the most solemn, calmest and very enchanting for me. At sa tingin ko iyon ang pinakaimportante.

Twilight is still with us. Purple sky with sparkles of stars. The moon is beautifully crescent carved.

Mas lumamig ang hangin.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon