Belated Happy Valentine's day sainyo! Sana masaya ang mga puso ninyo araw-araw❤️💜Maligayang Pagbabasa!
"Love.."
Mabilis akong lumingon sa likuran ng marinig ko ang boses ng asawa ko. "Hmmm?"
"Look here and smile for me.." malambing na utos niya sa akin. Otomatikong matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko ng makita kong nakahanda na ang camera para kuhanan ako ng litrato.
Nanatili akong nakangiti hanggang sa ibaba na nito ang camera at tiningnan ang mga kuha niya. Nagbiro ako. "Maganda ba ako diyan, love?" nangingiti kong tanong.
He immediately put down and set aside the camera. "You are always beautiful. Now give me a kiss.." Umusog pa ito ng bahagya palapit sa akin ngunit bago pa nito ituloy ang binabalak ay kaagad kong tinakpan gamit ang palad ko ang labi ni Gustavio.
"Love..." may pagbabanta sa boses ko. Nakataas ang kilay ko habang pinapakita ko sa kanya ang paligid kung nasaan kami.
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat nito na para bang hindi nabigyan ng paboritong kendi. Natawa na lang ako at naiiling. Dumukwang ako at hinalikan ito sa pisngi.
Mas lalo itong napasimangot. "That's not a kiss.."
Pinagtaasan ko ulit siya ng kilay. "Nasa school tayo, love. May mga bata."
"We can go to your classroom. For sure walang mga estudyante doo---" Bigla itong tumahimik nang makita niyang hindi ako natuwa sa sina-suggest niya.
"You can have me again later at our house." sabi ko na kaagad nakapagpaliwanag sa mukha nito. "pero ngayon, sa mga bata muna ang atensyon natin. Now, behave." ani ko. "Bago pa magbago ang isip ko at sa winery ka ulit matulog."
"Love!" puno ng pagtutol ang boses.
Kasabay niyon ay ang pagsasalita ni Maam Minerva sa stage para tawagin ang mga estudyanteng aakyat sa stage.
I mouthed him. "Behave." Then I went back at the front so I can focus my attention to all the children. Especially to those two beautiful rainbows who keep searching the whole place.
Bahagya kong itinaas ang aking kamay para hulihin ang kanilang atensyon. Unang akong nakita ng batang lalaki. May malaking ngiti ang kaagad na sumilay sa maliit na labi nito. Nakita ko itong bumulong sa katabing batang babae habang tinuturo ang direksyon ko. Mas pinagbuti ko pa ang pagkaway hanggang sa nakita na niya rin ako.
Ngayon silang dalawa na ang kumakaway sa direksyon namin ni Gustavio.
"I love you Mama, I love you Papa!" matinis na sigaw nilang dalawa.
And just like that, for five long beautiful years that has been passed, the happiness I felt everytime they called us ; Mama and Papa...are still unexplainable. Hindi ko mabigyan ng tamang salita ang napakagaan na kasiyahan sa puso ko habang nakikita ko silang dalawa.
Naramdaman ko ang pagpatong ng mukha ni Gustavio sa aking balikat. "They are just wonderful. Right, love?" mahinang bulong ko.
Dahan dahan itong tumango. Sa totoo lang, they're so much for the word 'wonderful'. Para sa akin, sila ang bawat salita, bawat matitingkad na kulay at isa sa dalawang magandang dahilan kung bakit gusto kong bumangon tuwing umaga. Wala na akong mahihiling pa.
"They're smiling at us, Love. Na-picture-an mo ba?" tanong ko sa asawa ko habang nakatingin pa rin sa dalawang bata.
"Yes.." sagot nito habang inuusog ang sarili mas palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...