Kabanata 4
Nagtagumpay si Gustavio na hindi nga ako patulugin ng buong gabi. Pagod pa sa pagod ang aking katawan kinabukasan habang naghahanda ako umalis.
Bethany:
Cecelia hindi ko alam bakit nakuha ni Senyorito ang telepono ko kagabi. Nang malaman ko na tinawagan kanya takot na takot ako. Please umuwi ka na.
Ito ang mensahe niya sa akin. Umaga ko na ng mabasa. Hindi ako nagreply dahil wala naman ng mangyayari kung sasagot pa ako. Ang plano na pagtira sa bahay ko ay hindi natuloy. Sinasabi ko na at hindi talaga ako papatahimikin ni Gustavio.
Kahit ang layo niya sa akin ay nagagawa pa niyang manipulahin ang buong pagkatao ko.
I look at myself infront of the mirror. Inilagay ko lahat ang aking buhok sa aking likod. Now I see clearly my bare face. Walang kahit na ano sa mukha tanging ang hindi maipaliwanag na emosyon. Sa harap ng salamin ay sinubukan kong ipakita ang tapang sa aking mukha, iniisip na ito lang ang ipapakita ko kay Gustavio. I want him to see that I'm upset too and not weak like what he thinks of me. I can decide on my own and for my future.
I have round set eyes with long thick eyelashes. Inalala ko ang mukha ng inay o kay itay kung sakanya ko nga ba nakuha ang ganitong mga mata kaya lang ay malabo na ang pisikal nitong itsura sa memorya ko. Ang tanging naalala ko lang ay itim ang kulay nitong buhok at mahaba samantalang ang sa akin ay kulay brown na alon-alon.
Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. Ang sabi ni Bethany ay para daw salamin ng buong pagkatao ko ang aking mga mata. Kaagad malalaman ang tunay na sinasabi ng aking damdamin sa pamamagitan niyon. Hindi daw ito marunong magsinungaling.
The color of my eyes is turquoise. Ang kulay ng malalim na dagat.
Kapag may pagkakataon akong tumitig sa isang tao ay tinitingnan ko ang kulay ng mga mata nito. Thinking If they have same eyes like me.
Sinasabi ni Bethany na maganda daw ang aking mga mata dahil naiiba. Minsan kahit iyon ay pinoproblema ko, dahil pakiramdam ko wala akong katulad. Worst is, everytime I look at my eyes, I feel something is missing in my life and I don't know why I have to feel like that.
Isinantabi ang aking iniisip at tumayo na. Kinuha ko ang mga bagong laba na damit na sinuot kahapon. Mahirap na..baka kapag iba ang sinuot ko ay makwestyon din ni Gustavio. Ngayon pa naman ay parang wala ako sa mood makipagtalo. Palagay ko'y linggo na ito ng buwanan dalaw ko. Nagsisimula na akong makaramdam ng insensitivity sa paligid. Masyado akong nagiging emosyonal.
I wear my color olive blouse with raised wingtop collar pagkatapos ay isinuot na din ang cowl skirt. Inayos ko ang pagkakapasok ng dulo ng aking blouse sa loob ng skirt para maayos tingnan. Tumagilid ako at tiningnan kung maayos ang pagkakaipit. Now, it fits well, umayon lang sa kurba ng katawan ko. Umupo ako at kinuha ang d'orsay pump para naman sa sapin ng aking paa.
I just apply a minimal make-up tutal para bumagay ang ayos ng mukha sa ayos ng aking damit. Nagdadalawang isip kung papasok ba ako sa opisina o tatawag kay Bethany para sunduin ako sa tapat ng kompanya.
Inayos ko rin ang aking buhok at bini raid ang dalawang gilid, Water fall braid ata ang tawag ni Bethany dito. It's my favorite though.
Nang matapos ay lumabas na ako. Bumungad sa akin ang mga taong nakaupo sa mahahabang silya sa tapat ng kanilang bahay. Ang iba naman ay nagwawalis sa kani-kanilang tapat. Naririnig ko rin ang pagsigaw ng lalaking nakasakay sa bisikleta at sumisigaw ng pandesal.
Sa gilid ko ay papasikat na ang araw ngunit malamig pa rin ang hangin. How I wish I could stay longer. Tiningnan ko pa ng isang beses ang bahay ko bago ako tumalikod at maglakad palabas ng Village. Pinakiusapan ko si Aling Nita na kung pwede ay tanaw tanawin niya ang bahay. Mabuti na lamang ay pumayag ito.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...