Kabanata 8

244 6 2
                                    


Kabanata 8

Mabilis ang takbo ko paakyat ng hagdan. Hindi na rin alintana kung naghahabol ako ng hininga. Nang makapasok ay agad kong sinara ang pinto at pumasok sa loob ng aking banyo. My face pale and my chest is pounding fast.

Napapikit ako ng kumulog ng napakalakas kasabay ng isang nakakatakot na kidlat. Nanginginig na binuksan ko ang pintuan ng aking banyo para makalabas. Naglakad ako hanggang sa makarating sa tapat ng aking kama.

Gumapang sa ibabaw, kinupkop ang aking mga binti at niyakap ang sarili. Madilim ang kuwarto ko, napapikit ng maalala na wala nga pala akong night lamp.

Sa huli ay hinayaan na maghari ang dilim sa aking buong kwarto.
Sa isip, malinaw pa rin ang mukha ni Gustavio habang umiinom ito ng alak kanina at galit ang mga mata pati ang uri ng tingin sa akin ng dalawang lalaki na kasama nito.

Kumulog ulit. Mas lalo kong niyakap ang aking sarili.

Naramdaman ko ang mainit na likido na umaagos sa aking pisngi. Ito na naman ang pamilyar na sakit sa aking dibdib na nabubuhay kapag ganitong madilim ang paligid. The feeling where I want my parents to hug me when I'm being afraid of dark and thunders. Pero ngayong matanda na ako, hindi na kulog at dilim ang ikinatatakot ko. Kundi itong buhay mismo.

Biglang bumukas ang aking kwarto. Naalerto ako dahil nakita ko ang bulto ni Gustavio doon. Lightning strikes, I saw his face.

Pumasok ito at binuhay ang ilaw sa aking kwarto. Naglakad ito papunta sa paanan ng aking kama. Ako ay nanatiling nakayakap sa aking mga binti.

Saglit ko siyang tiningnan at ibinalik na ulit ang atensyon sa paglalaro sa aking mga daliri.

"Where have you been?" narinig kong tanong nito. Malalim ang boses at kontrolado.

"Room theater." maikling sagot ko, hindi pa rin siya tinitingnan.
"Really? where is your phone? I've been calling you many fucking times, Cecilia."

Pagod akong humiga at tumalikod sa direksyon niya. "Mamaya na tayo mag usap, Gustavio." tanging sabi ko. Ayoko siyang kausapin, gusto ko lang mapag isa.

Maybe because in my whole life, this is the first time I felt so small for myself. Ngayon ko lang naramdaman na hindi sapat ang buhay ko sa buhay na mayroon ang mundo at sa mga taong nakikita ko.

I don't have anything. Just a little piece of land and a home...bukod doon wala na.

Mas lalo lang akong nanghina.
Buong akala ko ay lumabas ito dahil narinig kong sumara ang pintuan. Inaantay kong patayin nito ang ilaw pero hindi iyon nangyari. Kung kaya ay bumangon ako at papatayin na sana ng makita ko siya na naka upo sa upuan, katabi ng aking kama.

He saw the tears on my cheeks bago ko pa man mapahid. Sa huli ay bumalik ako sa pagkakahiga at hindi na inabala na patayin pa ang ilaw.

"Cecilia."

Narinig kong tawag nito sa pangalan ko ngunit imbes na sumagot ay mas lalo kong pinikit ang aking mga mata.

"Cecilia."

Naiinis na bumangon ako at hinarap siya. "Pwede ba? ayoko makipag usap sayo! Go away!"

Halata ang pagkabigla, gumalaw ang mga panga at galit na tumayo. He grabbed my arm. "Kanino pa ko nagtitimpi sayo. We will talk!" sapilitan na itinayo ako hanggang sa magpantay ang tingin namin sa isa't isa.
Ang galit nito ay nag uumapoy sa kanyang mga mata. Isang kalabit na lang ay alam kong sasabog na ito.

But I don't care, pinagbabayo ko ang kanyang dibdib. Ibinuhos ko doon ang lahat ng galit ko para sa kanya.

"Napakawalang hiya mo! Gago ka! Umalis ka dito!" patuloy ko na hinahampas ang kanyang dibdib.
Nang mapagod ay sinampal ko naman siya. "Sana pala totoong umalis na lang ako para hindi na kita makita!"

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon