Kabanata 21
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Sa una ay malabo hanggang sa naging malinaw na ang puting kisame sa paningin ko.
Nagpalinga linga upang maghanap ng kahit na sinong tao na nandito, kasama ko.
At sa paglingon ko sa aking kaliwa ay nakita ko si Bethany na tila hindi pa rin makapaniwala na nakadilat ang aking mga mata at nakatingin sa kanya ngayon.
Nanatili itong nakamasid sa akin.
"Bethany...." paos pa ang boses ko ay tawag ko sa pangalan niya.
Nakita ko ang paglaglag ng isang butil ng luha sa mata nito. Ang kamay ay napatutop sa bibig.
"Lia? Lia...gising ka na ba talaga?" Umiiyak itong lumapit sa kama kung nasaan ako nakahiga. Maingat niyang hinaplos ang aking pisngi.
Patuloy pa rin ito sa pag iyak. "Gising ka na nga..." doon ito tuluyang lumuhod sa gilid ko at isinubsob ang mukha sa aking kaliwang kamay. Umiyak ito ng umiyak.
"What happened?" Tanong ko.
Umangat ang mukha nito at nagpahid ng luha ngunit kahit na ganoon ay patuloy pa rin ito sa pag iyak. "Pinag alala mo kaming lahat. Cecilia, isang linggo kang walang malay."
"A-ano?"
"Malala ang tama mo sa may bandang tiyan. Sinabi ng mga doktor na imposibleng kayanin mo kung dito ka ooperahan sa mansiyon kaya dinala ka ni Senyorito sa ospital."
Isang linggo? Sobrang haba na 'yon. Ganoon kalala ang tama ng baril sa akin? Pero wala akong maalala.
"Si Gustavio kumusta?" Tanong ko kay Bethany.
Naging tahimik ito. Yumuko ngunit kalaunan ay tinitigan ako. "Hindi namin makausap ng maayos si Senyorito. Kung hindi dito sa kuwarto mo, nasa opisina o kaya umaalis. Nakakatakot dahil para siyang sasabog sa galit, Lia."
Napalunok ako. Napatingin sa kisame. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Siguro galit siya dahik hindi ko sinunod ang bilin niya na huwag umalis sa kuwarto.
Kapag maayos na ako. Kakausapin ko siya.
"Si Mucho? Okay lang siya?"
Pagkatanong ko iyon ay sakto namang umakyat sa kama ko si Mucho. I didn't know that he is here, all this time.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na okay lang siya.
"Teka, lalabas muna ako. Ipapaalam ko lang kay Manang Lucia at Don Gabriel na gising ka na."
Nasa tabi ko pa rin si Mucho ay sumagot ako sa kanya. "Sige. Please....wag ka ng umiyak. Okay na ako."
Pinahid nito ang natitirang luha sa pisngi. "Tears of joy.." kapagkuwan ay tipid na tumawa. "Ikaw kasi, pinag alala mo ko! pero salamat sa diyos at okay ka na.."
Tumango ako. "Salamat din sa diyos...at okay ka, kayo nila Manang Lucia."
Dumaan ang mahabang oras na ang doktor at si Daddy Senyor ang nasa harapan ko. Si Manang Lucia naman ay pumasok kanina, at gaya din ni Bethany ay umiyak din ito.
Mahigpit na hawak sa mga kamay nito pati ang pasasalamat sa pag aalaga sa akin ang aking iginanti sa kanya. Maya maya ay nagpaalam ulit para ipaghanda ako ng makakain.
"Good thing, your wound is starting to heal. Wala ng gaanong matinding pagdudugo, hindi katulad ng mga nakaraang araw. Wala na rin ang mataas na lagnat mo, dahil siguro bukod sa tama ng baril sayo ay madami ka ring sugat sa mga braso dahil sa mga bububog...." salita ng doktor.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
Ficción GeneralFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...