Kabanata 13

282 14 8
                                    

Kabanata 13

SPG

Read at your own risk.

Ilang oras na siguro akong nakatitig sa tatlong sunflower na hawak hawak ko. Nakaligo na ako at lahat lahat ay tila iniihip naman ang enerhiya ko sa maya't mayang pagtingin sa isang card at mga bulaklak na nakalatag sa aking lamesa. Kanina, right after I woke up, I saw them on my bed side table.
Binasa ko ulit ang nakasulat sa card.

Huminga ng malalim. This is crazy. Or maybe I'm still dreaming? I pinched myself again.

Nope. You're not dreaming Cecilia.
Lumabas ako ng teresa dahil ang sabi ni Aling Lena ay inutos daw ni Gustavio na dito na ako mag almusal sa kwarto. Magtatanong na sana ako kaya lang nang makita ko naman ang ganda ng labas ay hindi na rin ako tumutol. Bagkus ay tinulungan ko si Aling Lena na igayak ang lamesa dito sa labas.

I sipped my coffee. I started eating my breakfast while constantly looking at my phone.

Natutukso na akong tawagan si Gustavio pero pinipigil ko ang sarili ko. Last night, ay nakatulog akong siya ang katabi ko. Nakayakap sa akin at ang halik niya sa labi ko ang huli kong naalala mula sa kanya. Hindi ko na siya naabutan kaninang pag gising ko dahil ang sabi ay pumunta ito ulit ng ubasan.

Ang mga bulaklak na ibinigay niya ay inilagay ko sa bakanteng plorera. I hope they don't die fast.

Naengganyo na kinuhaan ko iyon ng picture. I even put an effort to shot it with different angles para mas lalong gumanda tingnan.

Nang masatisfied ay naisipan kong ipost ito.

"Senyorita?" Binaba ko ang aking cellphone at nilingon ko si Aling Lena.
Tinuro nito ang mga pinagkainan ko.

"Tapos ka na?" Malumanay na tanong nito sa akin. Ako naman ay mabilis na tumango at ipinatong ang tasa sa ibabaw ng platito.

"Ako na.." pigil agad sa akin ni Aling Lena nang makita niya na dadamputin ko ang pinagkainang plato.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong hindi ito magpapaawat. Lalo pa at masyadong ingat ang kilos nito ngayon. Pinagkasya ko na lamang ang sarili sa pagsunod sa mga galaw niya. Huminga ako ng malalim.

Kailan kaya hindi takot ang mararamdaman ng mga tao kay Gustavio? Hindi ko naman din sila masisi. I've seen every side of him. Mas lamang ang masama...mas lamang ang lupit sa kanya.

May mga araw na nagpapasalamat ako na kahit hindi kalmado ang mukha nito. May masasabi naman akong payapang araw para sa aming dalawa.

Just like last night. Usually, medyo mabait lang siya after sex; tuwing kinabukasan.

Iniisip ko, iyon at iyon lang talaga ang rason niya kung bakit patuloy pa rin kami sa ganitong estado ng buhay naming dalawa.

I looked again at the flowers infront of me and then to Aling Lena who is still cleaning the table.

"Aling Lena, kumain ba si Gustavio bago umalis?" Wala sa sariling tanong ko. Agad naman itong tumingin sa akin.

Umiling. "Hindi. Nang tanungin ko kung sa pagbalik niya siya kakain. Hindi naman sumagot, umalis lang." Naging mahina ang pagsasalita nito sa huling sinabi.

I keep looking at her. Siguro napahiya ito o natakot o baka nanibago sa ipinakitang ugali ni Gustavio dahil wala namang ganoong ugali si Daddy Senyor. Laging magiliw iyon pagdating sa kanila.

"Ganoon po ba? Eh si Daddy po?" Tanong ko ng maalala. Hindi pa pala kami nagkakausap ni daddy simula kagabi. Hindi na kaya siya galit?

"Kumain. Siya nga lang sa hapag dahil ang sabi ng Senyorito, dito ka na pakainin."

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon