Kabanata 33
Kinabukasan ay pansin sa buong mansyon ang hindi namin pagpapansinan ni Luvier. Hanggang sa lamesa ay tahimik kaming dalawa. Nagkakaroon lang ng ingay kapag nagsasalita na si Tita Esmeralda.
Natapos ang umagahan ay nauna na akong tumayo. Kinuha ko mula kay Nurse Neya ang pagkain ni Lola.
"Ako nang magdadala nito." Wika ko kay Nurse Neya.
Ako na mismo ang nagtulak ng cart. Sumabay na lang si Nurse Neya sa akin hanggang sa nakarating kami sa elevator na maghahatid sa itaas kung nasaan si Lola.
Pagkadating sa kuwarto ni lola ay mabilis akong ngumiti.
"Hi, Abu. Kakain ka na daw atsaka iinom ng gamot. Ako na lang muna ang nurse mo ngayon ha?" Tinulungan ako ni Nurse Neya na ilagay sa lamesa nito ang pagkain ni Abu pagkatapos ay hinanda naman nito ang mga mga gamot na iinumin.
"Ang gandang nurse naman kung saka-sakaling ikaw nga ang mag aasikaso sa akin ngayong araw apo." Masayang sabi naman nito.
"Grabe Donya Trinidad, ibig sabihin hindi ho ako maganda?" Kunwari ay nagtatampong singit naman ni Nurse Neya.
Napatakip ng bibig si lola. "Nurse pala kita Neya? Akala ko beauty queen."
Bahagyang natawa si Nurse Neya. "Medyo waley yung papuri Donya pero acceptable na 'yon. At kahit ho pinuri niyo ako...tuloy pa rin inom ng gamot."
Umasim ang mukha ni Abuelita. "Happy kill kang bata ka.."
Parehong kumunot ang noo namin ni Nurse Neya.
"Ano ulit Abu? Happy kill?" Tanong ko.
Siguradong tumango naman si Abuelita. "Oo, apo. Hindi ba uso yung word na iyon? Yung pinuputol yung kasiyahan mo?"
Nag isip ako. Happy kill? Hindi naman ako mahilig makisabay sa 'in' na mga salita-an ngayon kaya hindi ko iyon alam.
Malalim akong nag iisip...
Pinuputol ang kasiyahan?
Ah!
Baka...
"Killjoy." sabay naming salita ni Nurse Neya. Nagkatinginan pa kaming dalawa.
"Killjoy? Ano na naman 'yon? Bago na naman? Hay nako, people nowadays." Iiling iling si Abuelita habang sinasabi iyon.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Nurse Neya. Pinipigil ko ang aking tawa. Pati rin ito.
"Donya, huwag niyo ng intindihin ang mga bagong salita na naiimbento ngayon. Baka madagdagan ang stress level, mahirap na. O heto po, kain na muna ng breakfast."
Malugod na kinuha ni lola ang pagkain niya.
"Salamat beauty--este Neya pala. Ang ganda ganda mo."
"Salamat ulit Donya Trinidad sa papuri pero tuloy pa rin po ang inom ng gamot. Hindi pa rin puwede mag -skip."
Umasim ulit ang mukha ni lola. Nilapitan ko na siya.
"Lola, kailangan mo uminom." Malambing kong wika dito.
"I know mija, sinubukan ko lang naman kung puwedeng hindi."
Sa huli ay sumunod si Abu. Nanatili ako sa tabi niya hanggang bago magtanghalian. Doon ako umattend ng klase - sa tabi ni lola habang naggagantsilyo ito ng kung ano ano.
Nang makatulog si Abu ay doon na rin ako nagpasyang bumaba. Dumiretso ako sa kusina para tingnan kung ano ang niluluto.
Pagkarating ko doon ay busy si Gemma pati na rin ang bagong pasok na kasama sa bahay. Sa pagkakatanda ko ay Rica ang pangalan nito.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...