Kabanata 19

225 7 2
                                    


Hi! Kumusta? I hope you are all safe and healthy and stress free.

Happy Reading! (Please vote! Hihi.)
Thank you!

Kabanata 19



"What the---"  iyon ang unang mga salita na namutawi sa bibig ko pagkapunta ko sa kusina para sana kumuha ng tubig bago magluto ng almusal.

Bakit hindi ako magugulat? Isang malaking two door refrigerator na puno ng glass sealed coffee na galing sa gusto kong bilihan ng kape ang bumungad lang naman sa akin.

Kahapon ko pa napansin ang bagong ref ngunit hindi na ako nagkaroon ng oras pa para usisain o itanong kung bakit may bago ulit e, sa tatlong refrigerator na nandito lahat gumagana pa.

"What the talaga." Salita naman ni Bethany.  Mabilis akong lumingon sa kanya na ngayon ay nagpupunas ng kamay.

Lumapit ito sa akin at nakitingin na rin sa loob.

"Kahapon pa 'yan. Nung umalis kayo papuntang Batangas. Hindi nagtagal.. dumating naman 'yan." Lumapit pa ng bahagya sa akin si Bethany at kunwaring bumulong.

"Binili ata lahat ni Senyorito lahat ng kape sa Milkshakehaus 'e." Ngisi na salita pa nito.

Hindi naman ako nakapagsalita agad at nanatiling nakatingin lang sa mga inuming nakatambad sa aking harapan.

"Kuha na. Pasalamat ka na lang sa asawa mo mamaya." Udyok pa nito sa akin sabay alis sa tabi ko.

Naghanda ito ng pinggan at kubyertos para sa akin. "Kain ka na muna. Bago ka magluto ng almusal ni senyorito."

"Asan ba siya?" Sa wakas ay nahanap ko na rin ang sarili kong boses. Kasabay ng tanong na iyon ay siyang pagsara ko sa ref.

Kibit balikat lang ang sinagot ni Bethany sa akin. "Hindi ko alam. Pero baka hindi umalis. Nandito pa si Allegor e."

Tumango tango ako. Inayos ko rin ang roba na nakabalot sa katawan ko. "Sige. Aakyatin ko lang muna si Mucho. Papakainin ko muna."

"Sige. Tawagin mo 'ko kapag kakain ka na ha? Maipagtimpla na rin ng kape para sakto mainit pa--"

"Hindi! Wag na....yung...yung nasa ref ang iinumin ko. Sige akyat na ko!" Mabilis akong nagpaalam at umakyat na sa hagdan.

Alam ko namang may malisyosong ngiti si Bethany, na lalo lang lalaki kapag tumingin pa ako sa mukha niya. Kinurot kurot ko pa ang pisngi ko dahil pakiramdam ko ay biglang iyong namula.

Matagal ko ng gustong pumunta sa lugar na iyon. I wanted to try how to be in that place while drinking coffee that I bought. Makita ang ibang tao na masaya ring nagku-kuwentuhan. Iyon lang ang gusto ko kung bakit pinipilit ko si Gustavio na payagan akong pumunta sa lugar na iyon.

Hindi 'yong mismong kape.

Pero ng makita ko iyon kanina....oo nagulat ako at hindi inasahan pero hindi ikinasama ng loob ko na mali ang pagkakaintindi niya sa gusto ko. Instead...I appreciated it.

Nang matapos sa ginagawa at nasiguradong maayos ang suot ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko at diretsong pumunta sa kuwarto ni Gustavio kung nasaan si Mucho.

Pagkarating sa loob ay nagpalinga linga pa ako baka kasi ay nandito siya. Ang sabi ni Bethany ay hindi daw ito umalis. Hindi ko din naman siya naabutan sa kama sa kuwarto ko kaninang pagka-gising ko.

"Mucho.." mahinang tawag ko sa aso. He looked at me and went to me fast. Mabilis ko siyang kinarga.

"Nakatulog ka ba?" Luminga linga ako ulit. Wala sigurong tao.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon