Kabanata 36After that exhibit I tried to act that everything was okay and fine. Kahit pa gabi gabi ay iniisip ko kung bakit binili ni Gustavio ang larawan ko.
Napag-alaman ko rin na hindi umattend nang gabing iyon si Gustavio. Si Octavio lang. Ito rin mismo ang bumili ng larawan para sa pinsan.
Pabiling-biling ako ng higa. Hindi pa rin makatulog.
Napagpasyahan kong lumabas na muna ng bahay kahit pa malalim na ang gabi. Maingat akong bumangon mula sa kama.
Bago ako lumabas ay kumuha muna ako ng maiinom sa loob ng ref.
Umupo ako sa damuhan. Sa loob lang din ng gate. Binuksan ko ang in-can at mabilis na tinungga iyon. Napangiwi dahil sa pait kaagad ding kumalat ang init sa aking lalamunan.
Wala sa sarili na binuksan ko ang aking cellphone. Pumunta sa search bar.
Leclada Gabriel Winery.
I typed.
Mabilis na lumabas ang lugar ng Gambale. Umayos ako ng upo.
Alam ko Gambale ito. Natatandaan ko pa ang itsura ng vineyard doon. Some part of me was happy dahil pinili ni Gustavio na buksan ito sa publiko. And some was lonely....
Gustavio is here at Gambale ito ngayon nakatira.
Tiningnan ko pa ang lahat ng pictures na nandoon ngunit wala akong nakita ni isang larawan ni Gustavio.
Base sa mga nabasa ako ay sobrang success na ng winery nito ngayon na kailan lang nito itinayo.
Wala akong nakitang naka-suit na Gustavio na ma-ala parang diyos na tindig bagkus ang lahat ng pictures ay mga nakangiting nagtata-trabaho sa Gamable. I even saw Miguel and Mercy.
Buhay na buhay ang Gambale katulad lang noong huling punta ko. Ang mga pinaghalong kulay berde at kulay lilang mga ubas na nakasabit sa mga gumagapang na baging ng mga puno, ay tahanan sa aking pakiramdam.
I miss Gambale. I miss Daddy Senyor. I miss my old life. Namimiss ko pa rin lahat ng 'yon. Namimiss ko ang dating buhay ko.
Kinabukasan ay mabibigat ang mga mata ko. Anong oras na akong pumasok sa loob ng bahay kagabi.
Pinilit ko ang sarili bumangon.
Nang tiningnan ko ang orasan ay alas diyes na na ng umaga.
Si Mucho ay nakababa na siguro at naglalaro na sa sala. Kinuha ko ang aking tuwalya.
Lutang pa rin ay dumiretso ako sa banyo upang maligo. Habang naliligo ako ay naririnig ko ang kaluskos na ginagawa ni Mucho mula sa labas ng pinto ng banyo.
Nagugutom na siguro.
Binilisan ko ang pagligo. Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo, mabilis naman sumalubong sa akin si Mucho.
"Good morning. Gutom ka na?" Tanong ko.
Umakyat ako ng hagdan para magbihis. Naghahanap ako ng damit ng makita ko ang cellphone kong nagba-vibrate sa ibabaw ng bed side table ko.
"Hey, good morning. Ram." Bati ko kaagad.
"Good morning, pretty. Are you ready?" Tanong naman nito.
Kumunot ang noo ko. "Ready for what?"
I heard him sigh. "You forgot." He said on the other line. It was not a question more like a statement.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
Ficção GeralFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...