Maraming salamat sa lahat ng bumoboto ng kuwentong ito. Mag iingat kayo.
Maligayang Pagbabasa!
Kabanata 29
Daddy Senyor died.
Three days after that shooting incident, I refused to go out in my room. I don't feel like talking to anyone. Minsan pumupunta dito si Jolieza pero ito lang ang nagsasalita.
Nakatingin ako sa kanya pero hindi ko magawang makinig.
Sometimes I pretend sleeping so no one could talk to me.
Sa bawat pagtulog at pag gising ko...sa bawat pagsara at pagmulat ng mga mata ko, malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang gabing iyon.
But the most clear view to my head was the burning car. Sa sobrang gulat ko nang gabing iyon, hindi ko alam kung anong ire-reaksiyon ko. Sa huli, tulala kong tinitingnan ang nasusunog na kotse.
Ang isip ko ay nandoon. Hindi ko na nga alam na naisakay na ako sa ambulansya kasama sila Abu.
I thought that night would be something memorable...a happy memory to be exact. But it turned out a nightmare for me...for us.
Ang tanging pinagpapasalamat ko na lang ay hindi gaano kalala ang mga sugat na natamo ni lola at Tita Esmeralda.
Si Wesley ay dalawang gabi nang nagigising sa gabi at umiiyak. So, Luvier decided to bring him to the psychologist.
'Pangalawang gabi nang nakahimlay ang ama ng pinakasikat na business tycoon sa bansa na si Gustavio Cavanaugh. Ang ama nitong si Gabriel Cavanaugh ay nasawi dahil sa pagsabog ng kotse na sinasakyan nito sa parking lot ng Hacienda Isabel kung saan ginanap ang party para sa babaeng apo ni Donya Trinidad Castelevaro noong nakaraang sabado kung saan ito dumalo. Matatandaan na bago ang pagsabog ay may mga armadong lalaki ang namaril sa mismong party.
Pribadong burol ang hiniling ng pamilya--'
Mabilis kong pinatay ang T.V.
"Senyorita...."
Tumingin ako sa may pintuan ng kuwarto ko. Doon ay nakita ko si Jolieza na pumapasok at may dala dalang isang tray.
Nginitian niya ako nang makapasok na siya.
"Dinner time na Senyor--" natigil ito ng makita niyang hindi nabawasan yung meryendang inakyat niya din kanina.
"Diet ka ate? ayaw mo ng carbs sa meryenda?" Tanong nito pero alam kong biro lang nito.
Inilapag ang tray at pagkatapos ay lumapit sa kama ko.
"Kain ka na.." malambing ay aya na nito sa aking kumain pero mas lalo ko lang tinakpan ng kumot ang buo kong katawan.
"Kahit konti lang ulit. Magkalaman lang yang tiyan mo." Alok pa nito. Iyan din ang sinabi niya sa akin nung umagahan...tanghalian at ngayong hapunan.
"Alam mo ba ate, nung bata ako...kuwento sa akin ni lola kapag natulog ka daw ng gutom may malaking mama ang kukuha sayo tapos ilalagay ka sa bubong ng bahay."
"Pero nung tinanong ko kay lola bakit ilalagay sa bubong hindi naman sumagot. Ang sabi niya "Bakit tanong ka ng tanong? Ako ba yung mama?!"
Natawa ako dahil kuhang kuha niya ang boses ni Nay Mameng.
"Yung lola ko kumukha lang ni Lola Basyang pero hindi yung talent. Tamad magtuloy ng kuwen..to...." bumagal ang pagsasalita nito.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Kahit tumatawa ka ate, ang lungkot pa rin ng mga mata mo." Salita nito.
Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...