Balak ko sana after ko masulat ang kabanata 35. Doon ko pa lang I-upload kaya lang na full storage ako. Hahaha.
Maligayang Pagbabasa!
Kabanata 31
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-inat.
Kinapa ko ang kabilang gilid ng aking kama. May hinanap at may gustong mahawakan ngunit nakailang kapa na ang kamay ko ay wala akong mahanap.
Lumingon ako. I only found was an empty space. Lukot ang bedsheet at wala sa ayos na unan.
Bumangon ako. Nilibot ang mga mata sa buong bahay ko. I am hoping that he is still here.
Ngunit nakababa na ako ay wala akong nakita ni anino ni Gustavio.
Umupo ako sa dulo ng hagdan, kaagad kong niyakap si Mucho.
"Did he say goodbye?" Mahinang tanong ko.
Mucho just lay his head on my shoulder. Pinagmamasdan ko ang pagkawag ng buntot nito.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na ako. Umupo sa sofa at tumingin sa bintana. Sikat ang araw na para bang walang malakas na ulan ang nangyari kagabi.
It seems everything is back to being normal again.
Kagabi, naramdaman ko ulit ang mahigpit na yakap niya. Naramdaman ko yung lungkot.
How I wish even in one night...he felt okay.
Sana naramdaman niya kagabi na hindi siya nag iisa.
Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan.
Sinalubong ako ng mainit na araw. I saw the pavements are now getting dry because of the heat coming from the sun. I saw plants dropping last raindrops from each leaves down to the ground.
I painfully inhaled.
May pakiramdam ako na simula kagabi at pagkaalis niya kanina. Iyon na ang huli naming pagkikita.
Dumating si Bethany at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Hindi naman ito nagulat at inaasahan din naman daw niya na pupuntahan ako ni Gustavio.
"Noong panahon na nasa Gambale ka. Hindi rin umuwi ng mansyon si Senyorito. Laging nasa Maynila. Umuwi lang nung susunduin ka na. Hindi mapalagay si Senyorito kapag hindi ka nakikita. Kaya hindi na ako magtataka kung natunton niya ang bahay mo para puntahan ka." Pahayag nito.
Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili ang tingin ko sa pagkain ko.
I didn't knew about that. Hindi din naman niya sinasabi sa akin.
How would I know? Ang nasa isip ko lang ay kung paano ako makaalis sa kanya noon.
"Sige na, Lia. Ako nang bahala dito. Sa akin na muna si Mucho." Salita ni Bethany habang naghuhugas kami ng plato.
Nakaligo na ako at uuwi na nang mansyon.
Tumingin ako sa kanya.
"Maraming salamat ha? Hayaan mo babawi ako sa pag aasikaso mo dito sa bahay ko." Nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Naku...wala iyon. Gusto ko rin naman 'to."
Saglit akong natahimik ngunit maya maya ay nagsalita din ako. "Bethany, have been in love?"
Nakita ko ang pagkatigil nito. Kahit naman ako...hindi ko din inasahan ang tanong na iyon.
May kung ano lang na pumasok sa isip ko bakit ko naitanong iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...