Kabanata 22

224 9 3
                                    

Kabanata 22

Madiin ang hawak ko sa braso ni Allegor habang patuloy kong tinitingnan si Gustavio mula sa kinatatayuan ko.

Nakita ko itong yumuko at hinarap ang babae na kahit nabaril na ay hindi man lang nakikitaan ng sakit sa mukha.

Inilapit ni Gustavio ang kanang kamay at ini-umang sa babae.

Tikom ang bibig at masama ang tingin ng babae kay Gustavio.

Doon ko napansin na may suot na singsing sa may hintuturo si Gustavio. Hindi ko makita ng malinaw ngunit klaro ang hugis nito.

Malaking parisukat iyon sa harapan, sigurado ako. 

Gumapang ang babae mula sa kinasisidlakan nitong lupa at nakita kong dahan dahan nitong hinalikan ang singsing na nakasuot kay Gustavio.

Bago ko pa makita ang susunod na mangyayari ay hinila na ako ni Allegor paalis ng lugar.

Para akong hangin na nagpapatangay na lang sa kanya. Nakakapanghina ng katawan ang mga nakita at narinig ko.

Gustavio shot the woman. Ni hindi man lang ito na ngiming saktan ang babae.

Nakakatakot din ang itsura niya.

Sa kakaisip ay hindi ko namalayang nakatawid na kami sa kabila ng highway. Ni hindi ko nga din namalayan na nakalabas na kami sa kakahuyan.

"Sakay bilis! Bago pa may makakita sa atin." Mabilis na utos ni Allegor. Ito na rin mismo ang nagsuot sa akin ng helmet.

Sumunod ako sa sinabi niya.

Mabilis nitong pinaandar ang motorsiklo.

Pareho kaming tahimik habang binabaybay namin ang mahabang daan pauwi ng mansyon.

Malayo ang lugar ngunit nang pabalik na ay tila kay lapit na lang.

Nang makarating ay nauna akong bumaba at hinayaan siyang itago muna ang motor sa dating pinagtataguan.

"Ang tahimik mo." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.

Hindi ako sumagot.

"Sebastian and Jethro were killed too." salita pa nito ulit.

Sa lahat ng nakita ko ngayong gabi at sa galit ni Gustavio pati na rin sa nalaman ko sa kanya....hindi ko na makuhang magulat pa sa sinabi niya.

Pagod akong nagsalita. "Kagaya nga ng sinabi mo...lahat ng mga di pankaraniwang bagay na hindi ko nakikita sa labas ng mansyon ay normal na lang sa sinasakupan ni Gustavio. Baka nga kapag pinatay niya rin tayong dalawa bukas hindi na ako magugulat o  matatakot man lang."

Ito naman ang hindi nagsalita.

Inalis nito ang helmet. Ganoon rin ako. Nang matapos ay dahan dahan ko iyong ibinigay sa kanya.

"Sino ka ba talaga ha?" Hindi ko mapigilan hindi ito tanungin.

Tumingin ito sa akin habang kinukuha mula sa kamay ko ang helmet.

"You'll know me soon.." tanging sagot lang nito.

Hindi na ako umimik pa at tumalikod na sabay lakad pabalik ng mansyon. Aware ako na nakasunod siya sa akin at tahimik rin na naglalakad.

Mariin kong pinikit ang aking mga mga mata ng masilaw ako ng isang paparating na sasakyan. Inilagay ko pa ang aking kamay sa ibabaw ng aking dalawang mata para makita ko kung ano iyon.

"Senyorita!" Narinig kong tawag sa akin ng isang tauhan ni Gustavio habang sinasalubong ako.

Kaswal akong tumigil sa paglalakad kahit pa ang isip ay puno ng pagtataka kung bakit sila nandito ngayon at parang kanina pa ako hinahanap.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon