Kabanata 27Nang tumahan na si Bethany ay kinuwento nito ang naging buhay niya pagkatapos niyang umalis sa mansyon.
Noong una ay umuwi siya sa probinsiya nila ngunit hindi rin nagtagal doon. Pagkatapos ng isang linggo ay lumuwas na siya pabalik at dito na dumiretso sa bahay ng tiyahin niya na malapit lang din sa bahay ko.
"Pasensya ka na, Lia kung hindi na ako nagpaalam na pupuntahan ko itong bahay mo. Wala naman akong magawa doon sa bahay nila Tiya kaya naisipan kong maglinis na lang dito."
"Okay lang Bethany. Kung gusto mo, ikaw na lang muna ang tumao dito. Ayos lang. Dadalaw dalawin na lang kita kapag may pagkakataon....bakit?" Bigla kong tanong ng mapansin ko ang ginawa nitong pagngiti.
"Masaya lang ako dahil nagagawa mo na ang gusto mo ng malaya. Wala ng nakasunod sayo at nakabantay."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Masaya rin ako sa buhay ko ngayon. Marami na akong mga nakilala na mga kapamilya ko. Naalala mo? Di ba minsan, nag iisip tayong dalawa kung saan ko ba nakuha itong kulay ng mga mata ko? Alam ko na ngayon." Buong pagmamalaki kong sabi sa kanya.
"May lola na rin ako, tita at pinsan..may pamangkin pa!"
"Wow....talaga?"
Masaya akong tumango tango. "Oo, at alam mo ba? Bukod sayo may bago na rin akong kaibigan. Kapag napadalaw ulit ako dito...isasama ko na si Jolieza para magkakilala kayong dalawa." Excited kong sabi sa kanya.
Mas lalo itong napangiti. "Sige ba...hihintayin ko 'yan, Lia."
Hinawakan ko ang kamay niya.
Pinakatitigan ko ang matalik kong kaibigan. "Hindi normal ang buhay ko noon, pero nakasurvive ako dahil nasa tabi kita Bethany. Maraming maraming salamat." Buong sinsero kong pasasalamat sa kanya.
Muling napaiyak si Bethany dahil sa sinabi ko. "Maraming salamat din sa pagkakaibigan na ibinigay mo, Lia. Maraming salamat dahil pinatawad mo ako."
Katulad noon at magpahanggang ngayon, Bethany will always be part of my life. Magbago man ang ikot ng buhay ko at iba na ang landas na tatahakin naming dalawa....hindi na iyon magbabago.
Bago kami umalis ay pinagluto pa muna kami ng Tiya ni Bethany ng meryenda.
"Iiwan ko na ang mga dala kong panlinis dito Bethany ha? Babalik pa naman ako dito....siguro, ngayong biyernes." Sabi ko habang naghuhugas ito ng plato at ako naman ay nasa tabi niya, nagpupunas ng mga platong pinaghugasan niya.
"Sige, sige...Lia."
Patapos na ito nang may maalala ako. "Bethany....nasaan na nga pala si Mucho?"
Nakita ko ang ginawa nitong pagkunot noo. "Wala sa'yo? Akala ko kaya ka bumalik ng gabing iyon, para kuhanin siya?"
Umiling ako. "Hindi...."
Naguguluhan ay nagpunas na ito ng kamay.
"Lia, hindi ko alam. Hindi na rin ako nakabalik sa kuwarto ko nang gabing iyon. Pagkaalis mo at pagkababa ni Senyorito ay inutos na niya na umalis na ako ng mansyon."
"Pero si Allegor....nakita ko ang ginawang pagdukot sa kanya ng mga tauhan ni Senyorito sa labas ng gate ng mansyon." dugtong pa nito.
Bigla akong nanlumo sa sinabi nito.
"Hindi ko na rin nakuha ang mga gamit ko, Lia. Mabuti na lang bago ako umalis...pinahiram ako ng pera ni Nanay Lucia. May nagamit akong pamasahe pauwi ng probinsiya." Dugtong pa ulit nito.
"Mabuti naman at napahiram ka ni Nanay Lucia. Ano naman kaya ang ginawa ni Gustavio kay Allegor?"
Nagyuko ito ng ulo.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...