This is the Wakas. Thank you Thank you for reaching this chapter.
I'm forever thankful because of all your supports. It means so so much to me.
Next will be Epilogue. 💕
Wakas
Ito na ata ang pinakamahabang biyahe sa buong buhay ko. I never been this impatient. Ngayon lang.
Nang huminto na sa wakas ang tren ay dali dali akong nakipagsiksikan sa mga pasahero na bababa rin ng tren. Ngunit iba talaga ang mga tao na nakatira sa Buenavides. Imbes na magalit at pagsalitaan ako ng masama ay binigyan pa nila ako ng espasyo para mas makadaan.
"Salamat po....salamat po..."
Tumango tango naman ang mga tao. "Walang anuman. Teka, ading..." pagpapatigil nito sa akin saglit.
Halata ang pagmamadali sa mukha ko. "Bakit po?"
"Saan ba ang tungo mo?" Tanong ng may katandaang babae na may bitbit na malaking bayong.
"Sa Mansyon po sana ni Senyora Emeraude..." sagot ko.
"Ganoon ba? O sige. Ikaw na muna ang sumakay sa unang darating na kalesa. Mamaya na kami."
"Ho?" Hindi makapaniwala na bulalas ko.
Ako talaga ang papaunahin nila?
Tumango tango ang iilang pasahero. "Nagmamadali ka. Kami ay malapit lang naman ang bahay. Ayan na pala si Kael eh. Kael! Bilisian mo at nagmamadali na makapunta sa mansyon." Pagtawag ng babae kay Kael.
Nakilala ako kaagad ni Kael. Kaagad itong lumapit.
"Ading hali na ho. Sakay na." Pagpapasakay na nito sa akin nang makalapit.
Walang pagdadalawang isip ay sumakay ako. Pagkaupo sa kalesa ay nagpasalamat ako sa mga taong nagpauna sa akin sa kalesa.
"Maraming Salamat ho! Maraming maraming salamat..."
Ngiti at kaway ang itinugon sa akin ng mga tao na nandoon.
"Kael...sa mansyon ha? Nandoon kaya si Senyora?" Nagbabakasali kong tanong.
"Mga ganitong oras ho ay nakabalik na ho siguro iyon galing sa pangangabayo. Mamayang alas diyes naman ay pupunta si Senyora sa Munisipyo at pagkatapos doon ay mamasyal dito sa Buenavides." Sagot nito sa akin.
Tumango tango ako. "Salamat."
Hindi pa rin mapakali ay panay ang tingin ko sa labas kung nakarating na kami sa mansyon. Ngunit kumpara kanina sa tren mas panatag na ang loob ko ngayon na nandito na ako sa Buenavides. Malapit na malapit na ako sa Gambale.
Dito ko pinili na pumanta para pakiusapan si Emeraude kung puwede ba akong dumaan sa lupa na sinasakupan niya papunta ng Gambale. dahil kung doon ako didiretso ay malaki ang posibilidad na hindi ako padaanin at mapipilitan akong tawagan si Gustavio.
Hindi pa puwede. Ayoko pang malaman niya na bumalik ako kaagad dito. Ngayon pa na nakarating na ako sa Buenavides?
Ngunit kanina...malapit ko na siyang tawagan. That would've been my last draw, but thank God, hindi iyon nangyari.
Mabilis akong bumaba ng matanaw ko na ang malaking gate ng mansyon. Kumuha ako ng pera mula sa dala dala kong pitaka at iniabot ko kay Kael ang pamasahe ko na agad naman nitong tinanggap.
"Salamat po Ading! Mauna na po ako..." pagpapaalam na nito.
"Salamat din...sige.."
Iyon lang ay mabilis akong naglakad papasok ng gate. Mabuti na lang ay nakita ako kaagad ni Clarissa at kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa mga katiwala ni Emeraude.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
Ficção GeralFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...