Hi! This is not edited. I'm sorry. Sumingit lang ako ng sulat ngayong araw. Thank you so much in advance!
HAPPY READING!
Kabanata 18
Sa buong biyahe ay nakikita ko na ang naging epekto ng pagputok ng bulkan. Habang papalapit kami sa pupuntahan ay nararamdaman na namin ang hirap dahil sa sobrang kapal ng mga abo.
"Kaya pa ba natin?" Nag aalalang tanong ko sa driver.
Lumingon ito sa akin saglit at tumingin ulit ng mabilis sa harapan.
"Opo, senyorita. Malapit lapit na rin po tayo sa Brgy.Hall nila."
"Okay sige, e si nanay Soledad na kontak niyo na ba?" Tanong ko ng maalala.
Kanina ay sinusubukan ko siyang tawagan sa dating numero na ibinigay ni Aling Lucia ngunit tanging ang mobile operator na lang ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Ang sabi po ay sa mismong barangay nila tayo pupunta pero hindi pa po nakaka-usap na sasadyain siya. Naghahanap na rin ng pwedeng makontak."
"Sige...please...pakibigay na rin sa akin yung number kung makontak niyo. Salamat."
Mabilis itong tumango.
Hindi nagtagal ay may nakikita na akong mga kumpol ng mga tao sa iisang lugar. Kapwa nakatingin sa kotse na sinasakyan namin.
Humigpit ang hangin sa aking dibdib ng makita ang iilan na mga inosenteng bata, naka facemask na tila hindi alam ang nangyayari. May mga sanggol na hawak hawak ng kani-kanilang mga ina. Niyayakap na para bang sa ganoong paraan ay mapoprotektahan nila ang mga batang walang alam sa nangyayari.
I could see also, some elders who have nebulizers placed on their noses and mouths, hoping they can protect their lungs from ashes.
Nakakapanlumo.
Nakita ko ang mabilis na paglapit ng iilang mga magulang sa amin
Nakita na siguro nila ang mga relief goods na dala.
Nang makahinto at makapag park....ay hindi nga ako nagkamali. Nag uunahan silang makapunta sa isang truck na nasa likod namin.
How I wish, I could go and help Gustavio's men to contribute the goods. Alam ko namang kapag ginawa ko pa iyon ay masyado na akong lumalabis sa ibinigay na pagkakataon ni Gustavio para makapunta dito.
Kahit gusto ko man, ay pinagkakasya ko na lamang ang pagtingin sa labas.
My eyes wandered. Nakakataba ng puso ng may nakikita akong mga bata o matatanda na natutuwa sa tuwing nakakakuha ng relief goods. Sa sobra kong tuwa ay kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ko sila ng mga litrato. I looked at the photos....these are memories I know, I could keep forever.
Busy ako sa pagtingin ng mga litrato ng may kumatok sa aking bintana. I saw one of Gustavio's men.
"Bakit?" Tanong ko.
"Senyorita....nahanap na po namin sila." Balita nito.
Biglang nagningning ang mga mata ko ng marinig ko ang balita niya.
"Talaga? Asan sila?" Lumingon lingon ako.
"Dito lang po kayo. Papupuntahin namin sila dito." Sumang ayon agad ako.
"Sige."
Nang tumalikod ito ay mabilis kong kinuha ang mga pagkain at gamit para sa kanila sa tabi lamang ng inuupuan ko.
Maya maya ay nakita ko na si Nanay Soledad na tinuturo ang labas ng kotse kung nasaan ako. Mabilis na tumango ang isa sa mga tauhan. Napansin ko rin na may kasama rin itong bata.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...