Simula

586 16 1
                                    

Simula.

Pitong taon ako.

Hindi ko man maintindihan kung bakit kami nagtatago ng aking ina sa loob ng isang mainit na aparador ay sumunod ako sa gusto niya na wag lumikha ng ingay kahit pa sa aming dalawa, siya itong mas umiiyak. Naririnig ko rin ang mahinang pagdadasal niya.

Pitong taon ako, ay nakikisabay na rin na manalangin na sana...sana hindi nakakatakot ang dahilan ng pagtatago namin ni Ina.

Pero hindi.

Muntik na akong mapasigaw nang biglang may kumalabog, at mula sa siwang ay nakita ko kung paano kinaladkad ang aking ama na puno ng dugo ang katawan at ang mga mata ay pinipilit na lamang idilat. At mula sa kaninang mahinang paghagulgol ay mas lalo lamang humina pa ang pag iyak niya.

Nagtaka ako, mas masakit ba sa dibdib kapag walang tunog ang pag iyak? Kaysa sa papasigaw?

Bakit naman nung nasugatan ako noon malakas akong umiyak? Ganito ba kapag nanay at tatay na? Baliktad?

Ang gulo.

"Nasaan ang bata?!" Rinig kong sabi ng isang malaking lalaki kay Ama. Tumawa ito at hindi sumagot kung kaya naman ay hinataw siya ng isang hampas sa mukha dahilan para mapahiga ito sa sahig ng aming bahay. Sinundan pa ito ng isa, dalawa, tatlo..hindi ko na mabilang kung ilan na hampas ang ginawa pa nila kay Ama.

"Tatanungin kita ng isa pang beses. NASAAN. ANG. BATA?!"

Pero katulad pa rin nang nauna ay wala itong sagot sa kanila. Sino ba kasing bata? May tinatago ba si Ama na bata? Baka nagkakamali lang sila! Baka mali ang bahay ang napuntahan nila!

Gusto kong humiyaw ng "Wag na! Tama na po!" Habang paulit ulit na hinahampas ng baril si Ama.

Oo, alam kong baril iyon, dahil ganoon din ang laruan ni Erwin.
Ang kalaro ko dito sa nayon.

Ang sabi niya, sa totoong buhay ay pwede ka daw mamatay kapag natamaan ka nang totoong baril, naniniwala ako sa sinabi niya dahil masakit na nga ang kulay dilaw at maliit na bilog na laruang bala na ginagamit niya. Paano pa kaya kung totoo na? At ang sabi niya mabigat daw iyon para sa mga batang katulad namin.

Hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari dahil biglang tinakpan ni Ina ang aking mga mata kasabay ng malakas na tunog.

"Miguel!" Impit na sigaw ni Ina. Hindi ko makita dahil agad niya akong niyakap  at doon umiyak ng umiyak.

Kahit pawis na pawis at ang tanging amoy ng mga kalawang na bakal ang nandito sa loob ay hindi na namin alintana ni Ina.

Si Ama! Dahil sa hindi gaanong mahigpit ang pagkakayakap saakin kaya agad akong tumingin ulit sa siwang, Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Ama na nakahiga na sa sahig at may dugong umaagos sa kanyang ulo.

"Anak, kahit anong mangyari tumakas ka! Tumakbo ka ng tumakbo. Wag na wag mong hahayaan na maabutan ka nila.." wika ni Ina. Hinalikan ako sa aking noo at pinakatitigan ulit.

"Ipangako mo sa akin na hindi....hindi dito magtatapos ang buhay mo ha? Mabuhay ka ng mapayapa katulad ng gusto namin para sayo.." nanginginig na sabi pa nito.

Nagsimulang umahon ang takot sa dibdib ko. Aalis ako? Ako lang mag isa? Bakit hindi sila sasama?  Hindi ako tumatango at hindi rin ako sumasagot. Kumikibot lang ang aking labi sa pagpipigil dahil sa takot na baka umiyak ako ng malakas at mahanap kami ng mga lalaki. Pinahid ni Ina ang iilang pawis sa aking noo.

"Matapang ka. Makakaya mo." Hirap na dugtong nito. Kahit masikip sa kung nasaan kami ay nagawa niya akong yakapin ng sobrang higpit.

Bakit parang pakiramdam ko iiwan na ko nila Ina at Ama?

"Ina.."

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Ikaw lang ang prinsesa namin namin ni iyong ama, Lia."

Pero bago pa ako makasagot ay hinila na kami ng mga lalaking nanakit kay Ama.

Lahat sila ay may pilat sa pisngi, ang mga mata nila ay nagtatagis sa galit. Una nilang kinuha si Ina. Nakita ko kung paano magpumiglas ito at kung paano pa nila sinampal at hinila ang buhok.

Pitong taon ako, kaya wala akong magawa kundi ang umiyak habang kung ano ano ang ginawa nila sa aking Ina. Hanggang sa tinutok ng mga ito ang baril at pinutok na lamang ng basta basta..

"Ina!.." Tawag ko sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga iba pang lalaki sa akin at kahit pa ganoon ay nakikipaglaban ako at pilit na pumipiglas sa mga hawak nila. Kinagat ko pa ang braso nila ngunit hinablot nila ulit ako, pinagsusuntok ko sila. "Bitiwan niyo ko! Ina!" Tawag ko ulit.

Bago ito tuluyang bumagsak ay nakita ko pa ang sakit at lungkot nito para sa akin.

"Mahal kita anak..." mahinang wika ni Ina bago ito pumikit at hindi na muling dumilat pa.






Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon