Kabanata 11
Slight SPG.
Nagising ako na maaliwalas na araw ang unang bumungad sa akin. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at umupo. Nag inat habang nakapikit pa ang mga mata. I looked at my window, the smiling sun greets me with his golden rays scattered all over my bed. From here, I already saw the dancing daisies. Three days...I took a deep breath. Another peaceful morning.
And I couldn't wish for more.
Wala sa loob na napatingin ako sa kabilang bahagi ng aking kama. Kumunot ang aking noo ng may mapansin akong parang bakat ng taong humiga doon. Pinilig ko ang aking ulo. Nag isip.
Masyado ba akong malikot kagabi? Karaniwan naman kapag natutulog ako ay nasa isang bahagi lang ako ng kama. Kung hindi sa gitna ay isa sa mga gilid niyon.
Tumango tangao. Baka nga malikot ako kagabi. Masyado akong napagod sa pamamasyal kahapon. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng dami--
I looked at my clothes. Nakapagpalit ako kagabi? Ang alam ko hindi. Pagka-charge ko kasi ng phone ay saglit akong humiga ng kama hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Okay....
Pinakatitigan ko ang damit na suot. It's a silk night dress ...baka nagpalit ako. Hindi ko lang matandaan. Di kaya? Hinawakan ko pa ang strap ng suot at nag isip. Sa pagkakantanda ko ay ito talaga ang isusuot ko. Inilagay ko pa ito sa ibabaw ng couch.
Sa huli kahit naguguluhan ay tumayo na ako at dumiretso na sa aking banyo.
Bago ako bumaba ay kinuha ko pa ang libro kong babasahin ngayong araw at ang mga gamit ni Boyet.
Habang pababa ay nakikita ko na ang mga tauhan sa Hacienda na masayang nagpaparit-parito sa buong mansyon. Ang iba ay naglilinis ng mga plorera at figurines sa malaking sala, ang iba naman ay may hawak na isang basket na bulaklak at inilalagay sa iba't ibang flower vase. This is the usual scene I have seen almost everyday. Sabay sabay nila akong babatiin habang pababa ako ng hagdan. Si Aling Lena naman ay ipaghahanda ako ng almusal.
"Tsa'a, Lia?" tanong nito sa akin.
"Sige po.."sagot ko habang naglalagay ng pagkain sa king pinggan. Agad naman itong tumango. "Maya maya ko ibibigay sayo kapag patapos ka ng kumain."
"Salamat po."
"Atsaka nga pala..yung pagkain na dadalhin mo para sa picnic mo ay nandoon na sa basket. Teka..kukunin ko lang."
Pinigil ko ang kamay nito. Halata itong nagulat. "Bakit Lia? may ipapaluto ka pa anak?"
Agad akong umiling. "Wala po." nahihiya akong napakagat labi. "Ahmm...pwede po ba ninyo akong samahan dito sa hapag? Nakakalungkot po kasing kumain mag isa." nahihiya ko pa ring sabi.
Hindi nito inasahan ang sinabi ko. Ngunit kalaunan ay tumango at umusog ito ng upuan sa tabi ko. "Oo naman." wika nito.
"Salamat po."
"So, ang ibig sabihin niyo po..kayo na ang halos nagpalaki kay Miguel?" buong kuryosidad kong tanong. Sa buong durasyon na nandito kami sa hapag ay purong kwentuhan lang ang ginawa namin ni Aling Lena habang ako ay kumakain. Ito naman ay may isang tasa ng kape. Ipinagtimpla ko siya. The same coffee I always made for Gustavio doon sa mansyon niya. Nakakamiss ang magtimpla ng kape para sa ibang tao kaya naisipan kong timplahan si Aling Lena.
Tumango naman ito. "Eleven years old siya ng una ko siyang makita sa bayan na naglakad lakad. Siguro mga tatlong beses ko siyang nakikita doon na palaboy laboy. Pero isang araw, bigla niyang kinuha ang pitaka ko na ginagamit ko sa pamamalengke. Nang mahuli ng mga pulis at nasauli sa akin, doon na siya umiyak."
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...