Kabanata 12

250 8 8
                                    


Kabanata 12

Tahimik kong pinaghanda si Gustavio ng pagkain sa kanyang pinggan. Pagkatapos ng nangyari ay hindi na ako lumabas ng kwarto. Ito naman ay umalis upang sundan si Daddy Senyor sa ubasan. Ngayon ko lang din nalaman na kagabi pa pala ito dumating at ang nakakagulat ay sa kwarto ko pa siya natulog kagabi.

That explains the marks on my bed sheet last night. Ayoko na ngang isipin na baka siya din ang nagpalit ng damit ko kagabi. God damn it! Of course kahit naman itanggi mo pa Cecilia, siya talaga iyon. Wala ng iba pang gagawa.

"So it means, uuwi na kayo bukas ng mansyon Gustavio?" tanong kalaunan ni Daddy.

Napatingin ako dito at umiling. "No."

"Yes."

Halos sabay pa naming sagot na dalawa. Tumingin ako sa kanya ng masama ngunit hindi man lang ito tumingin sa akin.

"May mga gusto pa po akong puntahan dito sa Gambale."

"Ano pa bang pupuntahan mo?" ramdam ko na ang inis sa boses nito.

"Or you just making an excuse so you can be with that boy.." dugtong pa nito.

Eto na naman kami. Ano bang problema niya kay Miguel? Pinili kong kumalma at hindi na patulan pa ang mga imahinasyon niya.

Nagpatuloy ako sa aking pagkain bago pa ako mawalan ng gana.

"Huwag kayong magtalo sa harap ng pagkain. You two both know how I dislike arguments here in my table. Kung magtatalo kayong dalawa, magsialis kayo sa harap ko." bigla akong natakot sa pagsasalitang iyon ni Daddy. Malimit ko lang kasi na makita o marinig itong galit.

Hindi ako nakapagsalita agad at hindi nakagalaw. Nakita ko itong bumaling kay Gustavio na ngayon ay tahimik ngunit gumagalaw ang mga panga.

"If you can't respect me Gustavio atleast respect your Mother's house." madiin na salita ulit ni Daddy.

Hanggang ngayon, pati si daddy ay wala pa ring maasahan kahit isang sorry man lang sa kanya. Napailing ako habang nagbaba ng tingin at nagpatuloy kumain.

Masyadong naging tahimik ang hapagkainan hanggang sa natapos kami. Unang tumayo si Daddy at walang lingong likod na iniwan kami doon. Gusto ko siyang sundan ngunit kalaunan ay napag isipan kong wag na lang. Maybe tomorrow. Papahupain ko lang muna ang galit niya.

"Are you done?" tanong ko kay Gustavio. Wala na akong maisip na itatanong pa lalo na at kanina pa ito nakatitig sa akin. Kinuha ko ang lahat ng pinggan maliban sa kanya.

"Bakit ikaw ang gumagawa nito?" bagkus ay tanong nito pabalik. Sakto naman na dumating si Aling lena.

"Kasi may kamay ako?" balewalang sagot ko.

Mahina akong sinaway ni Aling Lena ng akma kong dadalhin ang mga pinggan sa kusina. Nang magtagumpay ito wala akong nagawa kundi tingnan si Gustavio na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

Oh I forgot! ayaw niya palang ng sarkasmong sagot. I smirked to him at tumalikod na.

Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang pagtayo nito at ang mabilis na paghapit sa bewang ko. Nang tingnan ko siya ay sinalubong naman niya ako ng malalim na halik sa aking labi. Mabilis iyon na sa sobrang bilis ay nakita ko na ang papalayo nitong bulto. Hindi ako nakagalaw at nakaawang ang labi habang sinusundan siya ng mga mata ko.

What the?

Tumingin ako sa paligid. I saw the shocked faces of the maids at ang paglunok ni Aling Lena. Sa sobra kong hiya ay mabilis akong umalis doon.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon