Kabanata 30Enchantress
Kakatapos ko lang manigarilyo ng tumawag sa akin si Bruno.
"Boss...nandito na yung bata."
Itinapon ko ang sigarilyo sa kung saan. "Sige...dalhin niyo sa akin." Utos ko.
Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang palahaw ng iyak ng bata. Si Daddy ay nakasalubong ko sa may hagdan.
"Si Lia na ba 'yan?"
So her name is Lia.
Tipid akong tumango.
Daddy held my arm. "We are keeping her, Amuer. She needs to be protected."
Walang akong itinugon sa kanya. Ang nasa isip ko lang ay ang mapabagsak si Amaro para mabigyan ko ng hustiya ang pagkamatay ni mommy. Iyon lang.
Sa pagbaba ko ay nakita ko ang isang madungis na bata. Pumapalahaw ng iyak. Mahigpit ang pagkakahawak ni Bruno kay Lia.
Kumuha ulit ako ng sigarilyo. "You let go her hand or I'll break your arm?" Kaswal kong tanong.
Mabilis na pinakawalan ni Bruno ang kamay ni Lia.
Mabilis na lumapit si Soledad. Inalalayan ang bata.
"Clean her. Patahanin mo rin." Utos ko.
Simula ng gabing iyon. Si Lia na ang liwanag sa mansyon ko. Umiiyak ito sa gabi ngunit masiyahin sa umaga. Nasisira lang sa tuwing nakikita niya ako.
Sa isip ko that is fine. I don't care anyway. Damay lang siya sa mga plano ko pero hindi siya ang prayoridad ko. Dad wants her. I don't want her. Hindi ko siya kilala. Hindi rin kaano ano.
Sa bawat pag uwi ko ng mansyon galing Maynila ay lagi ko siyang nakikita. Kapag nagtatama ang mga mata namin ay kumakaripas ito ng takbo.
May pagkakataon pa na ako ang ginagawang panakot ni Dad kay Lia.
"Gusto mo ba si Kuya Gustavio mo ang magpakain sayo ng gulay?" Rinig kong pananakot ni Daddy kay Lia.
Inis na nailapag ko ang kubyertos ko sa ibabaw ng pinggan.
Tumingin ako kay Lia na ngayon ay sampung taong gulang na. Takot itong nag iwas ng tingin sa akin.
Takot nitong kinain ang mga gulay sa pinggan. Hanggang sa maubos.
Paanong hindi matatakot sa akin? Ako ang ginagawang---tss!
"Really old man? I am not her brother. Ayoko siyang maging kapatid. The fuck.."
"Amuer! Yang bibig mo....nasa harap ka ng pagkain!"
Pero hindi ko iyon pinansin. Tumayo ako at nawalan na ng gana kumain.
I looked at her. She is starting to get scared again.
"Tss..."
No way in hell na magiging kapatid kita.
Years passed palaging ganoon. Nagtatago si Lia kapag alam niyang darating ako. Wala na noon si Daddy at nagpasya ng pumunta sa London. Of course that old man wants Lia to take him there.
"What do you think? Mas magiging ligtas doon si Lia. Malayo siya kay Amaro."
Nakaupo kaming dalawa sa opisina ko. Pinag iisipan kong mabuti ang sinabi niya. Puwede din naman. Mabuti iyon para hindi ako nadi-distract kapag nandito.
All I hear was her laugh, all her giggles and her voice. Kapag tinitingnan ko naman siya, tatahimik. Hindi na siya tatawa ulit. Tangina.
Natigil kami sa pag uusap. Nakita kong pumasok si Lia na may dala dalang isang tray.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
Aktuelle LiteraturFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...