Kabanata 2

385 12 5
                                    


Kabanata 2

Kanina ko pa gustong bumangon at maligo ngunit hindi ko magawa dahil may braso at binting nakapulupot sa aking katawan. Ingat na ingat akong wag lumikha ng ingay, as much as I want him to leave in this early hour ay kinakain naman ako ng konsensya ko dahil mukhang malalim ang pagkakatulog niya.

Sinubukan ko pang manatili doon ng ilang minuto pero nakaramdam na rin ako ng tawag ng kalikasan. Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang mabigat na braso, nang maiangat ko ng maayos ay ang kanyang binti naman.

"Nakakainis naman 'tong tao to." Hindi ko mapigilang hindi sabihin sa kanya ng makatayo na ako. Kinuha ko ang nakasabit na roba sa aking upuan. Inirapan ko pa muna siya bago ako pumasok sa banyo.

Agad akong pumailalim sa shower at dinama ang mainit na tubig na nagmumula doon. Nandito na naman siya, simula na naman ng mga paulit ulit na pagbabago.

And now, I wonder kung may gagawin na naman siyang kakaiba bukod sa karaniwang ginagawa noon. Huminga ako ng malalim at napamura. Bakit ako dito naligo? Fuck! Wala akong pamalit na damit! At ano? Lalabas ako ng nakatapis?

"And now you're acting like a virgin Cecelia? Well news flash! Hate to break your dream but your 4 years late to your realization that you are not!"

Kung kanina ay mabilis na ang ginagawa ko, ngayon ay mas binilisan ko pa. Napatapik pa ako ng aking noo ng maalala ko na kapag nandito siya ay kailangan ko ding pumasok bilang sekretarya niya.

Its one of his rules. "When he is here, I'am his secretary and I'm required to be with him everywhere he go." Nakaka hassle kapag umuuwi siya dito dahil hindi ko magawa ang ilan na mga bagay na madalas kong ginagawa katulad ng pamamasyal na mag isa na walang nakabantay na mga bodyguards dahil madalas ay pinagtataguan ko o kaya ay tumatakas ako. Hindi naman din sila nagsusubong kay Gustavio.

May isang grupo dito na mga bodyguards na pasaway. Kapag wala si Gustavio ay naghahari-harian.

Nang makalabas ako ay pasimple kong hinahanap ang aking napunit na underwear. Mamaya, sila nanay Soledad pa ang makahanap at iba pa ang isipin.

"Saan ba kasi mapupunta iyon? Bakit pa kasi pinupunit pu-puwede namang hubarin atska ibigay sa akin ng maayos. " wala sa sarili kong sabi.

"If i do that, where's the fun? " bigla itong nagsalita galing sa aking likod. Napatuwid ako ng tayo.

Humigpit ang hawak ko sa tali ng aking suot na roba at dahan dahang lumingon sa kanya.

Well, his messy hair..its perfect kahit hindi sinasadya ang pagkakagulo, sabayan pa ng malalapad nitong balikat at kung paano niya tinanggal ang kumot na nakatakip sa kanyang pang ibabang katawan.

Napalunok ako sa ginawa niyang iyon. Hindi man lang ito lumingon ulit sa akin kahit pa nakikita na ng aking dalawang mata ang maumbok nitong pang ibaba. Iniwas ko ang aking mata doon at inabala ko na lamang ang sarili ko sa paghahanap. Pasimple kong hinawi ang kumot, nagbabakasakali na nandoon ang underwear ko.

Nasaan na yon?

Pasimple akong umayos ng pagkakatayo ng makita kong tumingin ito sa gawi ko. Nakahinga ng maluwag ng makita ko ito sa tabi ng unan niya. Pasimple kong inilagay sa bulsa ng aking roba.

"Magbibihis lang muna ako para makapagluto ng almusal" nautal pa ng sinabi ko iyon sa kanya.

Wala akong nakuhang sagot mula dito, kung kaya naman ay dumiretso na ako sa may pinto para makapagbihis sa kwarto ko.

"Where are you going?" Umangat ang balikat ko sa gulat ng bigla niya akong tinanong, nabitin ang pagkakapihit ko sa seradura.

"Magbibihis?" Patanong kong sagot.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon