Kabanata 32

135 6 2
                                    

Sabay ko na lang i-upload yung 33 and 34. Since hindi pa ako tapos sa 34 e, hehehe.

Maligayang Pagbabasa ulit!

Kabanata 32

Ngunit hindi lang ng gabing iyon na-late nang uwi si Luvier. Halos gabi gabi.

Pati si Tita Esmeralda ay nababahala na sa anak.

"He seems fine naman nung kausap ko siya bago umalis. Nagtanong ako kung may problema pero hindi niya ako sinagot direkta."nag aaalang sabi sa akin ni Tita.

I looked at Wesley who's so innocent while watching a cartoon movie on his ipad. Kagagaling lang nito ng school at nagpaalam kanina kay Luvier kung puwede ba pumunta sa mall para manood ng sine.

Pero katulad ng dati ay hindi ito pumayag. Sinabi ko naman na ako ang kasama pati si Jolieza.

Ngunit imbes na pumayag ay mas lalo itong hindi pumayag sa naging suhestiyon ko.

Pansin ko rin na hindi na nagagawi si Jolieza dito sa mansyon. Wala rin si Nay Mameng.

Ang sabi ni Gemma ay masama daw ang pakiramdam ng matanda kaya hindi muna pinayagan ng mga apo nito na magtrabaho ulit dito sa mansyon.

"Wala naman pong sinasabi sa akin si Luvier. Sa tingin niyo tita, tungkol pa ba ito sa LMC?"

Ngunit hindi ako direktang nasagot ni Tita dahil kahit ito ay hindi alam ang dahilan.

Tiningnan ko ulit ang pamangkin. Lagi nitong bukambibig na gusto nitong manood sine kahapon pa. Kahit naman hindi na umangal si Wesley sa gusto ng daddy niya na hindi siya makakalabas ay alam kong malungkot ito.

Pumunta ako sa kinaroroonan ni Wesley.

"Hi! Showing pa ba ngayon yung gusto mong movie?" Mahina kong tanong.

May takot sa mukha nito pero tumango bilang sagot sa tanong ko.

Ngumiti ako. Showing him everything is fine.

"Gusto mo ba manood?" Mahinang tanong ko pa rin.

"But daddy doesn't want me to go out."

May kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko ang sagot ni Wesley.

"Turn off your ipad, buddy. Manonood tayo ng movie sa sinehan. Ako ng bahala sa daddy mo..okay?"

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Wesley. Sinenyasan ko ang yaya nito na bihisan na ang bata para makaalis na kami.

Tumayo ako. Sa pagpihit ko ay nagtama ang tingin namin ni Tita.

"Thank you, Lia..." sinserong pasasalamat nito sa akin.

"I just want to see Wesley happy, Tita."  Sagot ko sabay tingin sa pamangkin ko na ngayon ay masayang umaakyat ng hagdan.

Kaya hanggang kotse ay kuntodo ang ngiti ni Wesley. Kumakanta kanta pa ito hanggang sa nakarating kami sa Mall. Hindi na ako nagpadrive kay Mang Ben dahil kaya ko naman na at naka waze naman ako.

Mabilis kong kinawayan si Jolieza na nasa tapat ng isang fast food chain. Kagagaling lang nito sa EWU at dumiretso na dito sa Mall.

"Tita Jolieza!" Naeexcite na tawag ni Wesley sa tita niya. Tumakbo ito para mayakap si Jolieza.

Nangingiti ay lumapit ako sa kinaroroonan nila.

"Namiss ka niyan." Sabi ko.

Mula sa pagkakayakap kay Wesley ay tumingin sa akin si Jolieza.

"Eh ikaw ate namiss mo ko? Sus namiss mo ko. Huwag mo nang sagutin. Ako lang 'to te."

Tumawa ako at niyakap na rin siya. "Oo na. Namiss kita. Ilang araw kang hindi nagagawi sa bahay."

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon