Kabanata 24

210 9 0
                                    

Kabanata 24

Pagkagising ko kinabukasan at pagkatapos ng umagahan ay dumiretso na ako dito sa may patio. Habang nakaupo sa isa sa mga outdoor sofa ay nakilala ko si Gemma - isa sa mga kasambahay at kaibigan din ni Jolieza.

"Matagal ka na dito?" tanong ko sa kanya habang  ito naman ay abala sa pagti-trim ng mga halaman gamit ang malaking gunting.

Tumango ito at hinarap ako. "Opo, senyorita. Mga nasa tatlong taon na."

Tumango tango. "Matagal na rin pala."

"Opo. Mabait naman si Madam Esmeralda. Si Senyorito Luvier naman...ngayon ko lang din nakita. Matagal po kasing nanirahan sa America." Dugtong pa nito.

Inilapag ko ang libro. Kinuha ko na rin ang pandilig ng halaman. "Are they nice, really?" may alanganin ay tanong ko pa.

"Para po sa akin at sa mga nandito na nagtata-trabaho sa kanila ay , oo, senyorita. Mukhang masungit lang ang mukha pero mabait naman po si Madam. Lalong lalo na si Donya Trinidad."

Doon ako kumunot noo. "Donya Trinidad?"

Mula kagabi ay walang binanggit sa akin si Luvier tungkol sa sinasabi ni Gemma. Dito din ba iyon nakatira?

"Lola niyo po. Kaya lang ay masyado ng mahina. May mga doktor at nurses na pumupunta dito linggo-linggo para tingnan ang kalagayan ng Donya." Sagot nito sa akin. Kumuha na rin ng pandilig. "Ako na lang ang magdidilig, Senyorita. Baka mabasa kayo."

Ngunit umiling ako. "Hindi naman siguro. Ayos lang....."

"Pasensya na ha? Hindi ko kasi alam na bukod kay Luvier at kay T-tita Esmeralda, may iba pang nakatira dito. Hindi din naman nabanggit ni Luvier sa akin kahapon."

Tipid itong ngumiti. "Wala 'yon, Senyorita. Huwag niyo na lang pong sabihin kay Senyorito Luvier na ako ang nagsabi sainyo. Baka kasi akalain niya, amfeeling ko." At sinimulan na rin nitong magdilig.

Nakitulong na rin ako sa pagdidilig ng halaman.

"Amfeeling. Bakit naman?" Tanong ko. Medyo natawa pa ako sa term na ginamit niya.

"Wala naman, Senyorita. Baka kasi isipin niya...hindi naman ako ang karapat-dapat na magkuwento tungkol sa lola mo..pero sinabi ko."  Sagot naman nito.

"Bakit? Masungit ba si Luvier? Strikto?"

Kung sasabihin man niyang oo, ay hindi na ako magtataka pa. Nasa mukha naman ni luvier. Lagi pang magkasalubong ang kilay at laging nakakunot ang noo. Maliban na lang kagabi. Nung narinig kong kausap niya si Jolieza.

Para pa ngang sobrang bait.

"Hindi ko masasabi na oo, hindi ko rin naman masasabi na hindi. Sa tatlong taon ko dito, ngayon ko lang po siya nakita. Lalo pa at kakauwi niya lang dito sa bansa."

Tumango tango ako dahil naiintindihan ko naman siya.
"E, silang dalawa ni Jolieza? Close sila?"

Tila nag-isip pa ito. "Hindi ako sigurado, Senyorita pero kung kay Nanay Mameng - sa lola niya, oo pa. Bakit po?"

Ngunit bago pa ako makasagot ay narealise kong hindi ko naman business kung close si Luvier at Jolieza. Maybe I am curious but I need not to mind about that matter, lalo na at buhay iyon ng iba.

Umiling ako at pinagpatuloy ang pagdidilig. "Wala...naitanong ko lang."

Hindi naman din ito nagkomento pa at kagaya ko ay nagdilig na ito ng mga halaman.

Nang matapos kami ay bumalik ako sa pagkaka-upo at pinagpasyahang, ipagpatuloy ang pagbabasa.

Habang ito naman ay bumalik sa loob at sinabing tutulong sa kusina para sa tanghalian.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon