Kabanata 10
"Ingatan mo ang anak ko, Miguel." Bilin ulit ni Daddy kay Miguel. Yumukod naman ito at tumango.
"Makakaasa ho kayo, Senyor." Magalang na sagot naman ng huli.
Tumingin ako sa kanya at binigyan ito ng ngiti. He simply smiled at me pagkatapos ay nahihiyang nagbaba ng tingin.
"Meet me there, Lia okay? Pupunta din ako ng ubasan mamaya." agad akong tumango.
"Sige Dad, kita tayo doon."
Huli na naming pupuntahan ang lugar dahil bago kami pumunta ng ubasan ay ipapasyal muna ako ni Miguel sa iba't ibang lugar dito sa Gambale.
Sa huli ay nagpaalam na si Daddy Senyor. Hinatid ko ito ng kaway hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko ang sinasakyan nito.
"Senyorita, akyat po kayo dito." Agad na napabaling ang atensyon ko ng magsalita mula sa aking gilid si Miguel.
Iminuwestra gamit ang kaliwang kamay ang mataas na tungtungan na gawa sa kahoy. Sinunod ko ang sinabi nito at umakyat na sa tatlong baitang na kahoy para makarating sa itaas.
"Teka lang po kuhanin ko lang si Libris." tukoy nito sa isa sa mga kabayo na nakahilera malapit sa kwadra. Naglakad si Miguel at nakita ko ang pagtanggal nito ng tali sa isang puting kabayo.
Namamangha ay naglakad na ito palapit sa akin habang akay ni Miguel. Sobrang ganda ng kabayo. Habang naglalakad ay kay tikas tingnan at kung paanong sumusunod sa paggalaw ang bagsak na bagsak na puting buhok nito.
Ipinuwesto ni Miguel ang likod ni libris sa aking harapan. Aaminin ko ay natatakot akong sumakay dahil medyo malikot ito.
"Baka mahulog ako." wala sa loob na salita ko.
"Wag po kayong mag alala, senyorita. Mapagkakatiwalaan po itong si Libris." salita ni Miguel.
Dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng kaunting tapang para umapak sa tali na nakakabit sa katawan nito. Kaya pala ako pinaakyat ni Miguel dito sa kahoy ay para madali na ang pagsampa ko.
Unti unti ay sumakay na ako sa likod ni Libris. Nang makasampa na ay pinakiramdaman ko muna ito. Hinimas himas ko pa ang buhok na para bang sa ganoon na paraan ay hindi ito mabigla sa akin.
"Bakit?" Tanong ko kay Miguel nang mapansin na parang nagtataka ito sa ginagawa ko.
Kinuha nito ang kamay ko at inilagay sa pisngi ni libris. "Ganito po siya hawakan. Senyorita. Baka po kasi makatulog si Libris sa ginagawa niyo."
"Ay ganoon ba? Ahmm...Ganito ba?" sabay pakita sa ginagawang paghaplos.
Tumango ito. "Opo."
Tumingin naman ako sa kabayo na tila hindi naman alintana ang bigat na nakasampa sa likod niya.
May mga ginawa pang kung ano si Miguel kay Libris bago ito nag pasyang hilahin ang tali. Dahan dahan ay nag umpisa ng maglakad si Libris.
Nakakatakot sa una dahil hindi ko pa makuha ang aking balanse ngunit kalaunan dahil na rin sa mga magagandang tanawin na nakikita ko, unti unti ay nada-divert ang naramdaman takot na baka mahulog ako.
Ang kulay ng langit ay matingkad na kahel dahil na rin sa pagbaba ng araw. Mas lalong sumarap sa balat ang pagdantay ng hangin.
May matataas na burol kaming nadadaanan. Karaniwan ay may grupo ng mga baka na may magkahalong kulay kahoy at puti o kaya ay purong puti.
May tao din na nagbabantay at may dalang mahabang kahoy na ginagamit bilang gabay sa mga baka para sumunod dito.
"Pag aari din ba ng Gambale ang mga baka na iyon?" turo ko doon kay Miguel. Naglalakad pa si Libris kaya pinahinto muna ni Miguel pagkatapos ay sinundan kung saan banda ang tinuturo ko.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...