Kabanata 37
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang sinasabi nilang Senyora Emeraude ay ang babaeng dalawang beses ko nang nakita sa kapatagan ng Buenavides. Na, ngayon ay naka upo sa pinakasentro ng lamesa. Na, nakangiti at mataman kaming pinagmamasadan.
Kahit naman sino ay hindi mapagkakamalang forty four years old ito. She looks younger than a twenty year old woman.
I looked at her direction again. I saw Clarissa went to her direction and poured a hot tea to her tea cup. Narinig kong nagpasalamat ito kay Clarissa pagkatapos ay uminom.
Kahit ang pag inom nito ay may etiquette. Nakatikwas ang hinliliit habang sumisimsim ng tsa-a.
Emeraude is like a lady living in a medieval era. From her gunne sax long ivory dress to her bishop sleeves that covered her whole arms down to her wrists.
Tuwid na tuwid rin ang mahaba at kulay mais nitong buhok.
I am aware that I have a set rare color of eyes ngunit walang wala ang kulay ng mga mata ko sa mga mata nito. Parang hindi totoo.
Kung sasabihin nga nitong isa itong diyosa o engkantada ay mabilis akong maniniwala.
"Nga pala, may pagdiriwang sa Gambale. Gusto ko na pumunta kayo doon. Isama niyo na rin si Cecilia pati ang nobyo niya. Maaari ba?" Rinig naming salita ni Emeraude. Lahat ay nakatuon agad ang atensyon sa kanya.
"Kayo? Hindi ka sasama?" Tanong ni Ma'am Emily.
Sumimsim ulit ito ng tsa-a kapagkuwan ay umiling. "I had to sleep early, Emilyn." Tukoy nito sa principal namin.
"My doctors advice me to sleep early, starting tonight. Kaka-opera pa lang sa puso ko hindi ba?" Dugtong pa nito.
"Ay, oo nga pala. Kumusta ka naman? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ni Ma'am Emily.
Mahinhing tumango si Emeraude. "I feel better. Nakakapangabayo na nga ako."
"Please, Em. Don't force yourself. Lalo na iyong mabibigat na gawain. Makakasama pa sa'yo. I'm sure Don Gustavio will agree with me." Ani Ma'am Emily
Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang pangalan ni Gustavio. Sa pag angat ko ng tingin ay nagkatinginan kami ni Emeraude.
"Don't tell him." She look then to Ma'am Emily. "Sasakit lang ang tenga ko sa mga paalala niya. By the way, pumunta kayo doon ha? Pakisabi na lang ang rason ko...."
"Lia." Pagtawag nito sa pangalan ko.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos. Sa loob ng kuwartong ito. Kaming dalawa lang ang may alam tungkol sa dating buhay ko.
Nagkatinginan kaming dalawa.
Ngumiti ulit ito sa akin. "Puwedeng pakipa-alalahanan itong sila Minerva at Emily para sa bilin ko?"
Dahan dahan akong nagpakawala ng hangin sa dibdib. "O-okay..."
"Maraming Salamat."
"You look nervous."
Mabilis akong lumingon kay Rameses nang sabihin nito iyon.
Tumikhim ako. "I am?"
Tuluyan na itong lumapit sa akin. Hinawakan ang magkabilang bewang ko. "Yes."
Pasimple akong tumalikod sa kanya at kunwaring may hinahanap sa bag.
Nervous is an understatement. Simula nang matapos ang tanghalian at iginiya kami ni Emeraude dito sa tutuluyan naming kuwarto ni Rameses ay hindi na matanggal tanggal ang kaba sa dibdib ko. Kahit pa kanina na nakabalik na kami sa eskwelahan ay hindi ako mapalagay.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...