Kabanata 9

275 10 4
                                    

Kabanata 9
 
Peaceful and calmness. Yan ang dalawang bagay na nakukuha ko simula ng nandito ako sa Gambale. In exact two days, I've been constantly waking up with calmness especially kapag agad kong nakikita ang malawak na lupa na puno ng tanim na daisies. It brings out the peace, I've been wanting for my life.

And just like the first day, nandito ulit ako, nakaupo sa gitna ng mga daisies. Mabuti na lamang at hindi masyadong mainit kahit pa alas diyes na ng umaga. Naka upo ako sa maliit na nilatag kong mat kanina. Pinagbaon din ako ni Aling Lena ng isang picnic basket na puno ng pagkain at prutas. I brought also a book.

HIndi naman din malayo ang distansiya ng hacienda dito sa pinuntahan ko. Halos sa likod lang. Noong una ay hindi ko pa alam na may ganitong tanawin dito sa Gambale pero dahil sa isang mariposa, na sinundan ko ay nakita ko ito. Doon na nagsimula ang pagpunta punta ko dito.

Now, as I lay here over the mat, looking at the clear sky with book on my chest. I'm wishing that, this will last a little longer. Sana magtagal pa at hindi na muna kami umuwi sa mansyon. I want to stay here.

Pumikit ako. Nitong mga nakalipas na mga gabi, nagpapasalamat na hindi na ako dinadalaw ng masamang panaginip. Malaki talaga ang naitulong ng Gambale sa akin.
At kung dadating ang araw na babalk na kami sa mansyon ni Gustavio, gusto ko ulit bumalik dito.

"Senyorita! Senyorita!" nagising ang diwa ko sa pagmumuni muni ng marining ko si Boyet, ang apo ni Aling Lena. Bumangon ako at naupo. May ngiti sa labi na sinalubong ko siya habang tumatakbo sa kinaroroonan ko. Katulad kahapon ay may dala dala itong mga libro.

"Boyet halika! samahan mo ko dito." aya ko dito. Humihingal na umupo ito sa mat. Ako naman ay ginulo ang buhok nito, binigyan ng tubig at kinuha mula sa kanya ang mga libro.

"SIge magpahinga ka muna diyan. O ito, kain ka." inabot ko sa kanya ang isang pirasong nakabalot na sandwich. "Salamat po, Senyorita..pero kumain na po ako bago pumunta dito. Pinakain na ako ni lola."

"Ah ganon ba? e di mamaya na lang kapag nagutom ka, kainin mo 'to." sabi ko na lamang at ibinalik ulit ang pagkain sa loob ng basket.

Binuklat ko ang libro doon sa huling pahina na  pinag aralan namin. Binasa ng kaunti at masaya na tumingin sa batang excited kuhanin ang lapis at papel na hinanda ko para talaga sa kanya.

Pangalawang araw na simula ng tinuturuan ko si Boyet sa mga aralin nito na hindi na natapos dahil inuwi siya ng kanyang ina sa karatig bayan, malapit dito sa Gambale para ipaalaga muna kay Aling Lena.

Ang sabi pa ni Boyet ay pupunta na ang nanay niya sa Hongkong para magtrabaho.  Kailangan na makaalis agad kung kaya kahit hindi pa tapos ang pasok ay pinatigil na siya ng nanay niya para makauwi dito sa kanilang lugar.  Ngayong pasukan ay Grade Four na dapat siya kaya lang dahil kulang ang araw na pinasok nito sa dating eskwelahan at hindi nagbigay ng grado ang kanilang titser sa kanya ay baka ibalik siya sa Grade three.

Ngunit nagbigay ng alternatibong paraan ang papasukan na eskwelahan ni Boyet. Makakapag Grade Four siya pero kailangan niya munang makapasa ng exam na ibibigay sa kanya..kapag nakapasa ay doon magdedesisyon ang titser kung ibabalik o hindi na sa Grade Three si Boyet. Kung kaya naman ng malaman ko ito ay ako na mismo ang nagprisinta na magturo sa kanya. Sa susunod na linggo na din ang test nito.

"O sige, ready ka na?" excited na tanong ko.

"Yes po senyorita!" bibong sagot nito.

"Boyet diba ang sabi ko. Ate Lia na lang? wag ng senyorita. Ayoko nun."

Nagkamot ito ng ulo. "Ay sorry po ate, nakakalimutan ko po." at nag peace sign ito sa akin na siyang kinatawa ko.

"Oo na! okay lang pero next time ha?" Paalala ko.
Masaya naman itong tumango. "Promise po!" Pangako naman nito.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon