Kabanata 1SPG
Payapa kong pinagmamasdan ang magkasabay na papalubog at pag ahon ng araw at ang buwan. Ang pagpaparaya ng liwanag sa paparating na dilim. At ang unti- unting paglitaw ng mga bituin sa langit.
Ito ang paborito kong parte ng araw- Ang dapithapon.
This is the only time, I think most of impossible things may be possible. Na pwedeng magsama ang kailanman ay hindi pupuwedeng mangyari. Katulad ng liwanag at ang dilim, Ang asul na langit at bituin at ang pagtatagpo ng araw at buwan.
I'm amaze, how i witness all of these. Even not everyday. still, I experience how it feels like.
Pasimple kong isinikop ang ilang bahagi ng ang aking buhok sa kabila kong balikat dahil sa biglaang pag ihip ng hangin. Habang tahimik akong nakaupo sa mahabang bench dito sa lugar kung saan lagi akong pumupunta kapag tapos na ang aralin ko sa mansyon.
Kung pupuwede lang na dito na lamang ako hanggang mamaya ay pabor na pabor sa akin..basta kahit na anong rason lang na hindi agad ako makabalik sa mansyon ay paniguradong gagawin ko.
"Ipangako mo na hindi...hindi dito magtatapos ang buhay mo ha? Mabuhay ka ng mapayapa katulad ng pangarap namin sa iyo.."
Napapikit ako ng marinig ko na naman ang boses niya. Kung paanong ang sakit at lungkot ang nakabalatay sa kanyang mukha nang araw na iyon. Hinding hindi ko nakakalimutan.
"Hindi ko pa natutupad ang pangarap ninyo para saakin ni itay, Nay. " bulong ko.
As i grew older, nakatatak na sa isip ko ang pangarap na iyon ngunit habang nagkakaisip din ako ay naiiba ang dahilan pero nandoon pa rin ang kagustuhang matupad ang gusto nila para sa akin. Its just i need to do something first, before that.
I have to learn how to stand on my own. Kailangan muna ng matatag na pundasyon para sa planong pagsisimula.
Sa ngayon kailangan ko munang magtiis para maisakatuparan ko ang lahat ng gusto ko. Hate to admit this, but i need him right now.
Tumayo ako at sumilip sa aking relo. Tatlumpung minuto pa bago ang eksaktong oras para sa oras nang pag-uwi. Napaisip ako kung ano pa ang dapat kong gawin para magamit ko ang natitirang oras. Tumingala ako at nagpasyang pagmasdan na lamang ang paligid at namnamin ang limitado kong kalayaan, dahil pagkatapos nito ay hindi ako sigurado kung makakabalik pa ulit ako bukas o sa susunod na bukas.
"Cecelia! Saan ka na naman nagpupunta?" Humahangos na lumapit sa pwesto ko si Bethany. Hindi pa man ako nakakababa mula sa kotse ay sinalubong niya agad ako. Napatingin ako sa parking ng mansyon..kumalabog ang aking puso ng makita ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada katabi ng lulan kong sasakyan. Agad akong napatingin kay Bethany na ngayon ay maputla na dahil pareho kami ng nasa isip.
"Kanina pa si senyorito nandito, agad kang hinanap sa amin! W-wala naman akong masagot dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko" naghihisteryang sabi ni Bethany.
Lihim akong napamura, naiwan ko kasi sa kotse ang cellphone ko.
"Anong ginawa niya?" Nag aalangan kong tanong.
"Tahimik ng walang sumagot kung nasaan ka."
Hindi ako kumibo dahil base sa takot sa mata nito ay alam ko na kung ano ang sunod nitong ginawa.
Kaya kinuha ko ang aking bag at tumango na sakanya. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa mga taong nandito kasama namin.
"Mag iingat ka." Paalala pa ni Bethany sa akin.
BINABASA MO ANG
Keeping his Legal
General FictionFrom a strange village that became home for a seven year old girl, one ill-fated night, Lia, found herself inside of a huge mansion after those henchmen took her from her lifeless parents. She was crying frantically. She wanted to go back! She is on...