Kabanata 7

274 8 2
                                    


Kabanata 7

Pagkatapos ng umagahan ay agad na nag paalam si Gustavio sa hapag. Base sa narinig ko ay parating na daw ang mga negosyante na balak siyang kausapin tungkol sa isang business proposal.

Ako naman ay tumayo na din kasabay ni Daddy. Maagap na dumating si nanay Lucia para kuhanin na ang mga pinggan sa lamesa.

"Dadalaw ako sa  Gambale, gusto mo sumama hija?" mahinang tanong sa akin ni Daddy Senyor. Sumulyap ako kay Gustavio na kausap si Brando. May nakita din akong papasok na dalawang kotse mula sa gate.

Ang Gambale na tinutukoy nito ay pangalan ng kanilang rancho sa kabilang lupain at hindi na sakop pa ng San Nicolas. Kung hanggang saan ang kayang matanaw ng mga mata ay ganoon din ang sakop ng Gambale.

I've been there once, ngunit hindi na naulit pa. Pili lamang ang pwedeng makapasok doon. Mahigpit din ang bilin ni Gutavio na huwag magpapasok ng basta basta.

Ang hindi ko makakalimutan na parte ng Gambale ay ang malawak na taniman ng ubas. Tuwing ika tatlo ng linggo ng Mayo ay ang pag ha-harvest doon. Nagkakaroon sila ng masayang paghahanda habang inaani ang mga ubas. May malaki at malalim na kawan ang nasa pinaka gitna at doon inilalagay ang mga ubas upang gawing alak.

Ang sabi ni Daddy Senyor ay ito ang pinaka unang lupain na mayroon ang angkan ng Cavanaugh. Noong nabubuhay pa ang asawa nito--ang ina ni Gustavio ay dito daw nagsimula ang pag iibigan nila.

Gustavio's mom is a commoner when she met Daddy Senyor. Trabahante ito ng mga Cavanaugh at isa sa mga tumutulong gumawa ng alak noon.

His mom has a ethereal kind of beauty. A goddess.

Typical lovestory led to their own kind of forever. Iyan ang laging bukambibig ni Daddy Senyor kapag napag uusapan namin ang kanyang asawa.

Si Farina Leclair Veracini Cavanaugh.

Sa bulwagan ng mansyon sa Gambale, nandoon ang malaki nitong portrait. Tila napakaespesyal ang pagkakapinta para lamang sa isang napakagandang babae.   

I still remember how amazed I was everytime I look at Senyora Farina's eyes. Buhay na buhay ang kislap ng mga mata pati ang nakakahalina nitong mga ngiti. Para bang, sa tuwing titingin ka sa larawan ay mahahawa ka din ng kasiyahan at pagmamahal: Mga matang nakaranas ng wagas na pagmamahal.

Ang tanging nakuha ni Gustavio mula sa kanyang ina ay ang itim na kulay nitong mga mata. Misteryoso. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi ito palangiti.

"Hindi na po siguro daddy, may gusto po kasi kaming puntahan ngayon ni Bethany." magalang kong pagtanggi.

Nakakaintindi naman itong tumango at kinuha ang kahoy na tungkod.

"Sige, ikaw ang bahala. Magsabi ka lamang kung gusto mong sumama sa susunod para mapahanda ko ang isang kuwarto." Dahan dahan itong tumayo. Agad kong inalalayan.

"Ako'y aalis na anak. Namimiss ko na si Farina." wika nito habang may kislap sa kanyang mga mata. Ngumiti ako.

"Magpahatid na po kayo kay Brando." Lumapit ako kay Daddy at hinalikan ito sa kanyang pisngi. "Panigurado miss na miss ka na rin ni Senyora, daddy. Inaantay ka para may makasayaw siya ulit doon sa iple." bulong ko.

Tumango ito at huminga ng malalim. May lungkot na dumaan sa mga mata nito ngunit agad din napalis.

"Mommy. Hindi senyora. Kagagalitan ka. Gusto mo bang dalawin ka niya sa panaginip mo?" Biro nito. Nangingiti ay umiling ako.

Pareho kaming natawa ngunit kalaunan ay pareho ring natahimik.

Lalo na si Daddy.

I admired his love for Mommy Farina. Ilang taon man ang lumipas simula ng mamatay ito. Nakita ko kay Daddy na hindi nababawasan ang pagmahahal na mayroon siya para sa namatay na asawa. Bagkus, mas lalo pang nadadagdagan sa paglipas ng panahon.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon