Kabanata 15

236 8 5
                                    


Kabanata 15

Nanatili ako sa loob at hindi makagalaw. Ang mga sinabi ni Gustavio ay parang kalembang na paulit ulit na naghahampasan at lumilikha ng malakas na tunog sa aking tenga. Ang tanging nagawa ko lamang ay maglakad at lumabas ng mansyon. Kung hindi pa ako sinalubong ni Daddy ay tila hindi pa mamatay ang malakas na tunog na iyon at hindi mawawala pansamantalang iniisip.

"Mag iingat ka ha? I'll see you next week. I'll be home.." salita nito.

Niyakap ko siya ng mahigpit at tumango. Hinatid ako nito papasok sa loob ng kotse.

Matapos kumaway para magpaalam ay agad kong sinara ang bintana. Agad din namang pinaandar ni Allegor ang sasakyan.

"Si Gustavio?" nagtataka kong tanong dahil napansin kong wala pa ito sa loob. Ngunit hindi na kailangan pang sumagot ni Allegor dahil bago ito makapagsalita ay nakita ko na ang mabilis na paglagpas ng kotse ni Gustavio sa gilid ng sinasakyan naming kotse. Mabilis na dumaan at nawala sa paningin ko. 

Sinundan ko iyon ng tingin na sa pagsunod ko ay nahuli ako ni Allegor, ng tumingin ito sa likod ng kotse.

"Okay na po ba senyorita? May kukunin pa po ba kayo sa loob?" pormal na tanong nito at agad na tumingin sa harapan.

Sumandal ako at wala sa sariling umiling. "Wala na.."

Tumango ito at maya maya naramdaman ko na ang pag andar ng sasakyan.

Pilit na inaalis ang mga sinabi ni Gustavio at mas tinuon ang atensyon sa mga puno at nakasanayang tanawin ng Gambale, nag usal ng tahimik na pamamaalam.

I looked at the otherside of the car, i saw those new picked daisies and fresh grapes. Those are the personal harvest of the workers..they all gave it to me bago pa ako sumakay ng kotse kanina.  Nauna itong inilagay nila.

Even I'm in enigmatic weariness, I couldn't help but to smile, thinking, they used their work hours just to pick all of these and offer it just for me? Sobrang nakakataba ng puso.

Umayos ako ng upo ng maramdaman kong medyo bumilis ang takbo ng kotse. Bahagya ko pang nilingon si Allegor na tahimik lang na nagmamaneho. Maya maya ay sumandal ulit ako at pinaglaruan ang maliit na na mga bulaklak na nasa aking kandungan ngayon.

Naitungkod ko ng malakas ang aking kamay sa likurang upuan ng driver seat dahil sa biglaang pagpreno ni Allegor.

"Ano--"

I heard screeching sound of cars outside.I saw Gustavio's car na mabilis ang paandar at pumuwesto sa likuran ng aming kotse.

Mabilis na nagmaneho pa rin si Allegor na sinunsundan ni Gustavio. Biglang umahon ang kaba sa aking dibdib ng mas bumilis ang pagpapatakbo ni Allegor na para bang nakikipagkarerahan kay Gustavio.

Napapasigaw ako kapag bigla itong kakabig sa papunta kasalungat na daan.  Kahit gustuhin kong kumapit ng mabuti sa kinauupuan ko ay hindi ko magawa. Bumabalya ang katawan ko sa bawat matamaang pintuan ng sasakyan.

"Allegor! Anong nangyayari!?"

Bumaling lamang ito sa akin at sumigaw. "Senyorita dapa! Wag na wag kayong sisilip sa bintana---putang ina!"

Napahiyaw ng makarinig ako ng putok ng baril.

Tumingin ako sa may bandang likuran ng kotse, doon ay nakita ko si Gustavio na nakaawang na ang kalahati ng katawan sa labas ng bintana  ng kotse nito at nakikigpagputukan na rin ng baril sa mga nakamotorsiklong nakasunod sa amin at nasa bawat gilid ng tumatakbo naming sasakyan.

"Dapa!" Muling sigaw ni Allegor. Agad akong sumunod at nakatakip na rin ang aking dalawang kamay sa aking tenga.

Habang nakadapa, nararamdaman ang pagbilis pa ng sasakyan at napapabalya ang katawan ay umuusal ako ng panalangin. Puno ng takot na  iniisip kung ito na ba ang katapusan ko.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon