Kabanata 6

263 8 0
                                    


Kabanata 6

Ang pamilyar na kulay kremang kama ang unang bumungad sa akin pagkagising. May kadiliman pa ang labas ngunit alam kong papaumaga na. Inilibot ko ang aking inaantok na mga mata. Tama nga ang hula ko.

Nasa sariling kong kwarto ako. 

Mabuti naman at naisipan niyang dito ako dalhin kagabi. Parang isang malamig na tubig ang nabuhos sa buo kong katawan ng maalala ang mga nangyari kagabi. Kinuha ko ang unan at itinakip sa aking mukha.

Ayoko nang isipin ngunit sadyang malinaw na malinaw pa rin. Lalo pa ng mapansin kong tanging puting underwear lang ang suot ko ngayon at ang isipin na si Gustavio ang nagsuot nito ay..

Bumalikwas ako ng bangon. "Stop, Cecelia! Ang aga aga, ang dumi na agad ng utak mo." saway ko sa sarili.

Tumingin ako sa paligid. Kinupkop pa ang kumot para lalong bumalot sa aking katawan at mas lalong takpan ang aking walang damit na pantaas. I look around to find my robe. Nang makita ko ito na nakasabit sa sandalan ng upuan ay bumaba ako ng kama.

Nang maisuot na ay nag pasya ako na pumunta sa aking banyo.

I did my morning routine.

Nang matapos at nasa loob na ako ng aking closet para magbihis ay hindi naman ako makapamili. Took me forever, just to find appropriate clothes where in fact, pupwede namang suotin lahat ng nakikita ko at ang iba ay nasuot ko na dito sa bahay. Kaya lang pakiramdam ko ay hindi ko sila gustong suotin ngayon.

But then when I saw Gustavio's white clean shirt in one of my drawers ay iyon ang napili kong suotin. Pinakatitigan ko muna saglit. Iniisip kung tama ba na suotin ko pero sa huli, hindi naman niya siguro malalaman.

Tiningnan ang kabuuan ko sa harap ng salamin. My hair is wet and messy, wala naman akong kolorete sa pisngi o kaya sa labi pero pakiramdam ko ay mamula mula ang mga iyon. I even touch it with my hands.

Kinagat ko ang aking labi. Is this what they called after sex glow?

Base sa pag se-search ko ay ganito daw talaga ang epekto ng laging pagtatalik

But we only do it everytime he is here.  Consider ba na lagi 'yon?

I searched more, and base din sa isang article. Mas maganda ang glow up kapag passionate sex ang uri ng pagtatalik.

Okay stop Cecelia. Saan papunta itong mga naiisip mo? Sa tagal niyo ng ginagawa ni Gustavio ngayon mo talaga bibigyan ng depinisyon ang mga epekto sayo? How about not to get pregnant huh?

Yan ang una mong dapat malaman. Paano kapag nabuntis ka? May pangbubuhay ka ba?

Ngunit, oo nga no?

Para kay Gustavio, it was just a satisfying sex. Nothing more nothing less.

Kapag nabuntis niya ako may tsansa na paalisin niya ako dahil panigurado, ayaw niya ng obligasyon. But how about he kill me? madadamay din ang bata? And what if i-utos niya na ipalaglag ang bata?

Kakayanin ba ng konsensya ko?

Fucking no!

Gulo ang isip ay lumabas ako at inayos ang aking kama. Taking my time folding the blanket and arranging the pillows para lang mawala ang mga naiisip ko. Tuluyan na din nawala ang antok ko.

Mag aalas sais palang ng umaga at kahit patay na ang aircon sa aking kwarto ay malamig pa rin dahil sa hangin na pumapasok sa bukas na balkonahe.

Kumunot ang aking noo.

Ang pagsayaw ng puting kurtina ang dahilan kung bakit napansin kong bukas iyon.

Did I left it open?

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon