Kabanata 5

311 10 6
                                    


Kabanata 5

SPG. ( Read at your own risk.)

Mula dito sa aking kwarto ay rinig na rinig ko ang Jazz na tugtugin na pumapailanlang sa labas ng Mansyon.

Sumilip ako at marami na ang nagsisidatingan na mga bisita. Nakita ko din si Daddy senyor na may kinakausap na mga kakilala. Ang hindi ko pa nakikita ay si Gustavio. Simula kasi na mag umpisa na ang party ay hindi ko pa siya nakikita na nakikihalubilo. 

Wala naman gaanong nangyari kanina bukod sa busy sila Manang Lucia lalo pa at wala ngayon si Nanay Soledad dahil nagbakasyon ito sa lugar nila sa Batangas.

Siguro ang masayang parte ng araw ko ay nang pinuntahan ako ni Daddy Senyor dito sa aking kwarto. Hindi ko napigilan na hindi siya yakapin ng mahigpit. Lalo na ng marinig ko ulit ang boses niya ng personal. Sa sobrang tuwa ko ay naiyak pa ako dahil doon.

Inaalo habang natatawa sa akin si Daddy. Sa uri daw ng iyak ko ay para daw akong bata na nagsusumbong.

"Gusto mo ba sumama sa akin sa London sa susunod? Ako na bahala kumausap sa asawa mo." wika pa nito sa akin.

"Para namang papayagan niya ako, dad." wika ko. Imposible iyon. Tipid itong ngumiti.

"Malay mo mahanginan ng kabaitan, payagan ka." Pagbibiro nito.

Umismid ang labi ko. "Imposible. Hindi niya nga ako pinapayagan na mag aral sa regular na University. Sumama pa kaya sa'yo sa ibang bansa?" 

Hindi ito agad nakaimik bagkus ay nagbitiw ito ng isang malalim na hininga bago nagsalita. Habang hinahaplos ang aking buhok.

"Just understand your husband, princess." Simpleng sagot nito. I know he wants to say something more. Naghintay ako ng idudugtong niya ngunit kalaunan ay wala din.

Pagkatapos ng pag uusap namin ay bumaba na ito at nagpaalam na magpapahinga siya ng kaunti para ngayong gabi.

Ibinaba ko ang lahat ng kurtina sa aking kwarto at tinatamad na humiga sa aking kama. Nakatingin sa itaas at iniisip kung hihintayin ang oras sa paglipas o mag iisip ng mga pwedeng gawin. Kanina kasi ay nagbasa ako ng libro.

Napatayo ako ng may naalala, dali dali kong binuksan ang aking laptop at may tiningnan.

Eastern Wembley University.

Tiningnan ko ang application form nito para sa susunod na semester. I'm tempted. Sa huli, naisip ko wala naman mawawala kung hindi ko susubukan.

Sa bawat pagtipa ng mga daliri sa keyboard ay nandoon ang excitement na nararamdaman ko. After all, kung matanggap man ako ay gagawa talaga ako ng paraan para makapasok. With or without Gustavio's consent.

Satisfied, I close my laptop. Tumingin ako sa paligid. Tumayo ako at muling sumilip sa may bintana.

Nang hawiin ko ang kurtina ay agad kong tiningnan ang labas. Natutukso na pumunta sa balkonahe para makita ng malawakan ang buong paligid ngunit ayoko naman makita ako ng ibang tao.

I'm busy looking around. May nakikita din akong mga kababaihan na elegante ang mga suot na damit. Mapagmalaki ang mga ngiti at tila nagpapayabangan sa mga alahas na suot. Everywhere, I see is full of sophistication and elegance.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasid hanggang sa makasalubong ko ang mga mata ni Gustavio. He is looking at me while he's talking to someone. Tila agila ang uri ng tingin na ibinibigay nito sa akin kahit pa malayo ang distansya ko mula sa kanya.

I immediately close my curtain when the man talking to Gustavio look at my direction. Abot abot ang kaba sa aking dibdib.

Naglakad ako palayo mula sa bintana at agad umupo sa dulo ng aking kama. Ilang saglit ay may kumatok sa aking pinto, tumingin ako sa direksyon niyon at nakahinga ng maluwag ng makita ko si ay Bethany lang pala.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon