Kabanata 3

318 10 3
                                    


Kabanata 3

Nagngi-ngitngit pa rin ang loob ko hanggang sa nakarating na kami sa kompanya. I look at my clothes, kahit ito ay siya pa rin ang nasunod.

Kung wala lang talaga akong plano at pangarap ay hinding hindi talaga ako susunod sa lahat ng gusto niya. Pero katulad nga ng sinabi ko noon. Hangga't hindi ko pa kaya ang sarili ko at wala pa akong nararating sa buhay ay hindi ako aalis sa puder niya.

Wala naman akong aasahan pa na tutulong sa akin kundi siya lang.  Tutal siya naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito, kung bakit sa umpisa pa lang ay ganito na ang naging buhay ko.

Ni re-review ko ang minutes na sinulat ko sa aking notepad. Halos isang oras bago natapos ang meeting. Pagkadating palang ay agad itong nagpatawag ng meeting sa lahat ng departments at sa lahat ng nasasakupan ng mga negosyo niya dito sa San Nicolas.

Nang matapos at masiguro na maayos ay nahahapo akong sumandal sa aking upuan. Ginalaw galaw ang swivel chair at tumingin sa itaas. Mamaya ko na aayusin ang mga electronic files tutal ay hindi naman niya iyon kailangan ngayong araw.

Hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang aking noo ng makita kong si Miss Geneiva iyon.
Ang isa pang sekretarya ni Gustavio, kaya lang ay sa Maynila, sa main company ito nagtatrabaho.

"Hello po Miss? napatawag po kayo?" agad na tanong ko.

Awtomatikong binuksan ko ang aking computer na nasa harapan.

"Hello Cecelia! ay oo, urgent kasi e." sagot nito.

Umayos ako ng pagkaka upo. "Ah, sige ano po ba 'yon?"

"Pero pwede atin atin lang 'to? ayokong malaman ni President." nahihiya na pakiusap niya.

"Ah sige po. Okay lang."

"Talaga?"

Tumango ako na parang nakikita niya ang pagtango ko. "Opo, Miss."

"Sige, salamat ha? Ano kasi may pinapagawa kasi si Mr. President na drafting correspondence sa 'kin, medyo madami. Pwede ba na ibigay ko sa'yo yung iba? Pasensya na talaga Cecelia."

Inisip ko muna kung may gagawin pa ba ko o kung may naalala akong pinagagawa ni Gustavio sa akin pero wala naman.

"Naku walang problema..hindi naman po ako busy ngayon."

"Talaga? o sige send ko sa'yo sa email mo yung list of companies na kailangan gawan. Medyo gahol kasi ako ngayon e. Bago kasi siya umalis kahapon madami siyang binilin. Eh, sumabay pa na medyo kumikirot yung tiyan ko." sabi pa ulit nito.

Oo nga pala kasalukuyan na buntis si Miss Geneiva, pitong buwan.

Nagbigay lang ito ng mga karagdagan na instructions at pinaalala ulit ang mga dapat gawin. Nakinig akong mabuti at isinulat sa notebook ang mahahalagang sinabi nito.

Nang matapos ang tawag ay nag intay lamang ako ng ilang minuto at ilang saglit lang ay na sa akin na ang mga listahan. May nakita na akong mga na approved ni Gustavio ngunit meron naman ang mga hindi. Kahit naman kasi hindi na inaprubahan ay dapat pa rin gawan ng sulat.

Siguro, mga nasa thirty minutes kong ginawa bago ako natapos.

May nakita akong message ni Miss Geneiva.

Pagka natapos mo na yan ay diretso ko nang ise-send. No need to check na, alam ko naman na malinis ang gawa mo. :)

Natawa ako sa mensahe nito. Sa totoo lang ay hindi pa naman ako aprubado na maging sekretarya ni Gustavio. Nangyari lamang na dahil sa lagi niya akong sinasama kapag nauuwi siya dito ay nagpresenta na rin ako na gumawa kahit maliliit na trabaho lamang.

Keeping his LegalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon