Chapter 22 (Goodbye)

21 1 0
                                        


Xyrill

Teka, tama na yung kanino ko na ginawa eh, isa na lang yung hindi umiilaw eh! Dapat pala hindi ko na binago.

Simula ng binigay sakin ni Speros itong puzzle e hindi ko na uli nabitawan. Nung una pampalipas oras ko lang talaga, pero na-invest na ako para mabuo 'tong puzzle.

Habang iniisip ko kung paano tatapusin yung puzzle, naramdaman ko ang pag-alog nitong kwarto ko.

Ano na naman kaya ginagawa nila? Kanina pa kase ako hindi lumalabas ng kwarto, masyado ako na-occupied sa ginagawa ko.

Narinig ko naman ang pagbukas nitong kwarto, but I didn't look whoever entered the room. "Lady Xyrill" rinig kong boses ni Speros.

"Wait, matatapos ko na sya, mamaya mo na kunin. Promise! Isa na lang yung kulang kanina eh" sabi ko habang naka-focus parin sa puzzle.

"We're here" napakunot naman ako ng noo sa aking narinig.

Doon na ako napalingon, at tsaka ko nakita yung 5 Knights na nakating lang sakin habang hawak ko yung puzzle. "Here? You mean her-"

Tsaka ko lang napansin na may nagbago sa itsura nila.

Their hair, its black.

"Wow. Bagay sa inyo" yun na lang ang nasabi ko. Yung dating medyo may kahabaan na buhok ni Mr. Eguzki ay umikli at naging itim.

Napangiti naman si Speros sa sinabi ko. Wow, ang gwapo nya. Mukha syang typical naughty guy na nakikita mo sa school.

Napangiti naman ako ng malipat ang mata ko kina Leif at Astrid. Naalala ko tuloy nung mga nasa university pa kami.

"Thank you Lady Xyrill. A little weird since we're not used to it" napangiti naman ako sa sinabi ni Ofroi. Parang nahihiya pa nga sya sa itsura nya.

Tsaka pa lang tumibok ng sobrang bilis ng puso ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Medyo hindi rin ako makahinga nang maayos.

N-nandito na ako? As in sa Earth? Nasa Earth na uli ako?

"Are you ready to go out?" Rinig kong sabi ni Astrid. Tumayo na ako at lumapit sa kanila habang nasa kamay ko yung puzzle.

Kinuha naman ni Speros yung puzzle sa kamay ko. Pinanood ko sya habang isa-isa ginagalaw yung pieces. At nang mabuo na nya, natulala naman ako sa mga kulay na lumabas sa puzzle. Una iba-iba sila ng kulay hanggang sa naging puti at naging color blue and purple.

"Lets go" nag lakad na kami papalabas ng nitong ship. At ng makita ko na ang pinto papalabas, lumakas na naman uli ang takbo ng aking puso.

Makikita ko na uli sila Mama at Ate. Kahit alam kong hindi ko sila makakausap, gusto ko lang sila makita uli. Yung mga kaibigan ko lalo na si Richie. Miss na miss ko na siya.

Pagkalabas namin, tumambad samin ang madamong lugar. Syempre hindi naman kami pwede mag land na may mga taong makakakita.

"Anong oras na?" Tanong ko ng mapansin ko na medyo madilim pa.

Napatingin naman ako sa moon. Medyo nanibago tuloy ako, dalawa kasi ang moon sa Sacania.

"We're in Quezon Province right now. Lady Xyrill, where do you want to go first?" Tanong ni Leif sakin habang busy parin ako sa pag-titig sa langit.

"Of course in my house" Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay nilang lahat. "I know, hindi naman ako magpapakita. Pero sana makita ko sila, kaya nyo bang gawin yun?" Tanong ko. Napansin ko naman na napatingin sila kay Mr. Eguzki.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon