Chapter 1 (The Beginning)

124 4 10
                                        

Xyrill's POV

"By dating the rocks in Earth's ever-changing crust, as well as the rocks in Earth's neighbors, such as the moon and visiting meteorites, scientists have calculated that Earth is 4.54 billion years old, with an error range of 50 million years." Napakunot naman ang noo ko habang binabasa ang libro na hawak ko.

I wonder when will the Earth die? Siguradong patay na rin naman ako nun diba?

Inaayos ko naman ang pagkakaupo ko, nandito ako ngayon sa library ng school namin at syempre tumatambay. Hindi naman talaga ako mahilig mag-basa pero dahil wala rin naman ako gagawin naghanap ako ng pwedeng basahin dito sa library.

Nag skip ako ng ilang pages dahil medyo tinatamad na akong basahin ang iba.

"In physical cosmology, the age of the universe is the time elapsed since the Big Bang. The current measurement of the age of the universe is around 13.8 billion years"

Hindi ko naman hilig ang astronomy pero pag nakakabasa ako ng ganito napapa-isip na lang talaga ako.

Ang laki ng universe, to the point that you can't even think about how big it is.

But, Is it really that only Earth can sustain life? Sa sobrang laki ng universe parang imposible na tayo lang ang nandito. At kung may ibang "tao" pa bukod sa earth, nasan kaya sila? Hindi ba aliens na yun?

Either way parehas na nakakatakot isipin.

Lalo naman napakunot ang noo ko dahil sa mga naiisip ko. Ano ba naman yan, ano ba pake ko kung nasan sila.

Sumandal naman ako sa inuupuan ko at pumikit, bakit ko pa kasi naisipang mag-basa diba.

Habang nakapikit ako, narinig ko na may tumutunog na takong na papalapit sakin.

"Xyrill Roxas! It's already 4:30 magsasara na ang library"

Pag dilat ko, nasa harap ko si Richie na classmate ko and also my friend.

Napabangon naman ako at tumayo para ibalik yung libro sa shelf na binabasa ko kanina.

"Ay wow, nag basa ka pa nyan eh yung textbooks natin sa Accounting hindi mo man lang mabuklat" sabi ni Richie habang nakasunod sya sakin.

"I've been studying all night, tsaka kakatapos lang naman ng quiz natin. Give me a break!" Reklamo ko sa kanya.

Well, I'm 1st year student taking BS Accountancy, and to be exact. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang kinuha ko. Akala ko kasi puro math kaya pinili ko, yun pala hindi. Edi sana nag Educ na lang pala ako no. Pero nasayangan kasi ako sa time na nilaan ko dito kaya tinuloy ko na.

Habang binabalik ko yung libro sa shelf, Naramdaman ko naman yung pag-vibrate na phone ko sa bulsa ko.

"Look at this, we have another group study with the 3rd years sa Friday" sabay pakita ko kay Richie ng phone ko.

"Argh! Hindi na tayo naubusan ng gagawin!" rinig kong bulong ni Richie. Ang dami rin alam nito, kung sermunan ako kanina kala mo naman nakapagbasa sya, eh parehas lang naman kami.

Lumabas na kami ng Library ni Richie, kanina pa talagang 3PM end ng klase namin ngayon, nagpunta lang kami ng Library para mag review ng konti at syempre tumambay. Pero as you can see, hindi naman kami nakapag-review ng maayos.

Sabay kami ni Richie pa-uwi kaya lagi na rin kaming mag kasama, habang naglalakad kami nakaramdam ako na may nakatingin samin ni Richie kaya napatigil ako sa paglalakad at hinawakan ang braso ni Richie.

"Oh bakit?"

I look at my surroundings again to see if someone is looking at us, pero ang nakita ko lang din ay ibang mga students na gusto na rin mag-siuwian at mga highschool students na nagp-practice.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon