Xyrill's POV
"Lady Xyrill, please eat your breakfast" bumalik naman ako sa reyalidad nang magsalita yung isang servant na nag dala ng pagkain ko dito sa garden ng palace.
Teka bakit nga pala ako sa garden kakain? Wala bang dinning area sa palace?
It's been 2 days since I become an 'Arthya' against my knowledge and will.
The servants and guards that with me looked shocked when I suddenly slapped my face.
"Lady Xyrill 'wag nyo pa saktan sarili nyo" pakiusap nung servant sakin.
Ito pa, yung mga nakakasama ko ngayon ay inaral din yung Tagalog para maka-usap nila ako ng maayos. At sino pa ba ang nagbigay sa kanila? Malamang sila Astrid at Leif.
"Krea! Bata pa ako ayaw ko pa makasal!" Reklamo ko kay Krea. Tatlo kasi yung kasama kong servant at si Krea yung parang head nila. Meron din akong kasamang guards pero suma-sama lang sila sakin kapag nasa labas ako ng palace. Kagaya ngayon nasa garden ako.
"Halos karamihan ng babae sa Abydos gusto maging Arthya, bakit naman ayaw mo?" ipinatong ko na lang ang ulo ko sa lamesa at napakamot sa braso ko.
Simula rin ng maging Arthya ako, pinasuot din nila ako ng mga magagarang damit, kaya nanga-ngati ako ngayon.
"Pwede bang mag back out? Meron pa namang ibang Arthya bukod sakin diba?" Aba ayos rin pala yang Emperor nila. May pagpipilian pa ng pa-pakasalan nya.
Umupo naman sa harap ko si Krea. "As far as I know, they're currently 3 other Arthya. Baka may dumagdag pa"
Napatawa ako ng malakas sa sinabi nya. Tatlo? Tapos baka may dumagdag pa? Huwaw! Tapos mamimili lang sya samin? Argh!
"Madami na pala syang pagpipilian, pwede na siguro akong tanggalin no?" Kinuha ko naman sa kamay ni Krea yung kutsilyo ng subukan nya akong subuan dahil puro lang ako reklamo dito.
Bakit ba gustong-gusto nila akong subuan? Nakakagalaw naman ako mg maayos e.
"Gaya nga ng sabi mo mamimili ang Emperor. There's a chance that our Highness will not pick you" pinaupo ko rin yung dalawang servants na kasama namin at niyaya ko silang kumain pero tumanggi sila.
"Ano nga pala pangalan nyo?" Tanong ko dun sa dalawa. Si Krea kasi ang naunang dumating sakin kaya medyo close na kami. Habang sila kagabi lang.
"I'm Phelis and this is Egilior. We recently finished our Final Ceremony and working in palace is a great honour for us" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Anong Final Ceremony?
"Final Ceremony?"
"It means tapos na po sila mag-aral" sagot ni Krea habang sinasalinan ako ng inumin.
Kung graduate sila edi mas matanda na sila sakin? Pero bakit ganun, mukha parin silang bata. Kahit si Krea na mas nakakatanda sa kanila. Mukha pa rin bata.
And speaking of school, may Accountancy kaya rito? Mag-aaral pa ba ulit ako?
"Lady Xyrill, halos kumalat na sa ibang lugar ang tungkol sa inyo. Everyone wanted to meet you and look at your black hair" nahiya na naman ako sa sinabi nila.
Wala namang maganda sa buhok ko e bukod sa dry at may split ends yun lang.
"Huwag nyo na akong tawaging 'Lady', Xyrill na lang lalo na kung tayo-tayo lang magkakasama" tumango naman sila sakin at ngumiti. At least meron na akong mga kaibigan dito. Nakaka-lungkot din kasi kapag mag-isa ka lang.
"Bakit ba ang big deal ng black hair dito? You can just dye your hair. Wala bang ganun dito?" napatakip naman si Egilior ng bibig nya at umiling.
"We can dye our hair but we're not allowed to dye our hair in black. Pwede ka po mapahamak" napakapit ako sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
Space Between Us
Bilim KurguXyrill always wondered if there are other lifeforms outside the Earth. But her questions will be answered after she got kidnapped by humans that live in the other side of the Galaxy. While she's in their world, she got caught up in a difficult situa...