Xyrill
                              Naalipungatan ako sa aking pagtulog ng marinig ko ang mga kaluskos ng kutsara at mga platito.
                              Agad naman akong napahawak sa kanang kamay ko ng maramdaman ko ang pagkirot.
                              Bakit may bandage 'to? Ano nangyari bakit ang sakit ng kamay ko?
                              Pagbangon ko, agad din akong napapikit. Yung ibang parte naman ng katawan ko ang masakit ngayon.
                              Nahulog ba ako? Bakit ganito kasakit katawan ko? Ang last na naalala ko ay yung nag toast kaming lahat at nasa stage ako, pagkatapos nun hindi ko na maalala.
                              "Good morning Your Majesty" Napaangat ako ng ulo sa lalaking bumati sa akin. Teka? Bakit nandito si Herra? Na saan sila Krea?
                              "We already prepared your breakfast. You can eat it anytime you want" Dagdag ni Herra tsaka pumasok yung tatlo kong servant na may dalang pagkain.
                              Tsaka ko lang napansin na wala pala ako sa kwarto ko. Kaninong kwarto 'to?
                              "Mukhang napasobra ka sa Party kagabi ah? Bakit ang dami mong pasa?" Tanong sa akin ni Krea habang nakangisi. I don't understand bakit parang nanga-asar siya?
                              "Na saan ako?" Tanong ko sa kanila at tsaka sila naghagik-gikan.
                              "Your Highness, you're in the Joint Room" bulong sa akin ni Egilior.
                              Joint Room ng ano?
                              It took me a solid 2 minutes before I realised what are they talking about. Nanlaki ang mata ko at tsaka napahawak sa suot ko. The last thing I remembered I was wearing my wedding gown. Ngayon iba na ang suot ko.
                              Napahawak ako sa braso ko kung saan may pasa. My clothes change, and I have this bruises on my body. And I'm in the Joint Room.
                              D-did we d-do it?
                              No. No. That is impossible.
                              Me doing it with the Emperor? No, that is impossible. I'm sure he is not interested in me or anything. There must be another reason why I'm here.
                              And even if we really do it, bakit naman puro pasa ang katawan ko? I don't think having this kind of bruises is possible while doing 'it'.
                              Sa kakaisip, sumakit na naman ang ulo ko. Nalasing ba ako? But it was just a glass of wine!
                              "This is your tea for your hangover. Dr. Alfein informed me that to watch your alcohol intake. It seems like your body can't take the any kind of alcohol here in Sacania" Napanganga naman ako sa sinabi ni Herra.
                              I know that I have a low tolerance on alcohol but really? A glass of wine? Ganoon ba katapang ang alak nila?
                              Nagpaalam na sa amin si Herra pagkatapos niyang ibigay yung tea sa akin. May gagawin pa raw siya.
                              Pagkaalis ni Herra agad naman nagsilapitan sa aking yung tatlo na hanggang tenga ang ngiti.
                              "Wag na kayong magtanong kasi wala akong matandaan. And I don't think we even do that" Napatawa na lang sila sa sinabi ko.
                              "No, we're not gonna ask about that" Mabilis na sagot sa akin ni Phelis. At tsaka humawak si Krea sa kamay ko.
                              "This is officially your first day as the Empress! We're so happy for you" Excited na sabi ni Krea tsaka nila ako niyakap. Oo nga no?
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Space Between Us
Science FictionXyrill always wondered if there are other lifeforms outside the Earth. But her questions will be answered after she got kidnapped by humans that live in the other side of the Galaxy. While she's in their world, she got caught up in a difficult situa...
 
                                               
                                                  