Chapter 9 (Marriage)

32 3 0
                                        

Xyrill's POV

It's crazy to think we humans once believed we were the center of the universe, when we are nothing but a speck, traveling through trying to understand why we are here.

At alam mong mas nakakatawa? We humans are too busy with petty things.

We are all so special and so insignificant at the same time. Hard concept to grasp. It seems the more in depth you think the more confusing it is.

I sighed.

Nilagay na naman nila ako sa isang kwarto. Simula ng dumating ako dito hindi pa rin ako nakakalabas.

Sinubukan ko naman lumabas kaso may nakabantay na guards. Sabi nila hindi pa daw ako pwede lumabas.

Ang maganda lang, hindi katulad ng kwarto dun sa ship na puro white lang makikita mo like your typical hospital room. Itong kwarto ko ngayon parang mas malaki pa sa bahay namin.

Buti na lang at may bintana rito kaya nakakasilip parin ako sa labas. Pero bukod sa halaman, yung mga space guards lang din makikita mo na palakad-lakad.

Nang makita ko itong lugar sobrang laki nito, kaya nakapanghi-hinayang kung naka-kulong lang ako sa isang kwarto.

Naglakad ulit ako papalapit sa malaking pintuan nitong kwarto para silipin kung may naka-bantay.

Napahinga ako ng malalim ng makita kong walang tao sa labas ng kwarto ko. Bumalik naman ako sa loob ng kwarto para kunin yung hoodie na ginamit ko.

Wala akong balak tumakas, gusto ko lang gumala dito sa lugar na'to, narinig ko sila kahapon na tinawag nila itong 'palace'. Ang stupid ko lang dahil ang na-imagine ko ay yung katulad sa Disney but in real life it looks like a big city.

Binilisan ko na ang pag-lakad ng marinig ko na may paparating.

Nagtago ako sa gilid habang may mga bagong guards na ang naka-bantay dun sa kwarto ko. I know that at some time walang naka-bantay sa kwarto ko kaya easy na lang ang pag labas.

I'm gonna repeat myself, hindi ako tatakas. Gusto ko lang talaga mag-libot. Tsaka parang pambawi ko na'to dun sa Asher na yun! Kala nya matatakot ako sa kanya? Bahala sya maghanap sakin ngayon.

Itinaas ko na ang hoodie ko at naglakad-lakad na ako sa palace. Kailangan ko ito gamitin dahil sa buhok ko, yung mga tao kasi dito ay mga white haired. Ewan ko bakit ganun ang kulay ng buhok nila, na-stress ata silang lahat.

Napatigil ako sa paglalakad para hindi ko masalubong yung mga guards na nagi-ikot rin. Bakit ang dami nila?

"Be ready, in any time the Emperor will arrive" rinig kong usapan nung mga guards.

Emperor? Tatay nung mayabang na Asher?

Hinintay ko na mawala sila bago ako naglakad ulit papaalis.

"Hey you!" Natigil ako ng may tumawag sakin sa likod. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang dalawang guards. Wala pa ngang 10 minutes!

3rd Person's POV

Parang estatwa na nakatayo si Xyrill ngayon habang pinak-kiramdaman nya ang nasa likod nya.

"Ano gagawin ko?" Isip ni Xyrill na ayaw rin na bumalik dun sa pinang-galingan nya.

Agad din naman syang tumakbo ng mabilis ng makita nyang papalapit sa kanya yung dalawang guards.

"At point B! There's a suspicious person running!"

Mas lalong nag-panic si Xyrill sa sinabi ng guard na nanghihingi na ng backup sa iba pang guards.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon