Chapter 4 (Weird People)

38 1 1
                                    

Xyrill's POV

"Peralta?" Chineck ko ulit yung mga gamit ko kung lahat ba ng kailangan ko ay dala ko na. Mahaba-habang araw rin to kaya kailangan naka-ready ako.

"Perez?" Nakita ko naman si Richie na papalapit sakin, habang dala-dala nya yung sarili nyang gamit.

"Bakit? May naiwan ka ba?" Tanong sakin ni Richie tsaka nya tinabi yung gamit nya sakin.

"Wala naman, chineck ko lang kung may kulang hehe"

"Roxas?" Nagtaas naman ako ng kamay para sa attendance namin. Mahigit 5 hrs din byahe namin papuntang Batangas, malas mo pa pag sobrang traffic.

3 AM ang call time namin dito sa school, kaya halata mo pa sa mukha ng iba na mga pagod at inaantok. Syempre meron din yung mga excited na kala mo field trip ang pupuntahan.

Well, nalaman din namin na hindi lang for educational purpose itong trip. For recreational and team building na rin ng Association.

Napansin ko naman yung Engineering Department sa kanan namin banda. Kung ano kina-onti ng BSA mas malala sa kanila. Pero ngayon kasi mukha kaming madami since kasama namin yung Business Administration and HR.

"Good Morning everyone!" Napatigil yung pagc-check ng attendance ng sumigaw si ate Emma. Habang yung mga senior namin ay namumula dahil sa kahihiyan.

"Emma please, behave" nagtawanan naman kami sa sinabi nung President kay Emma.

"You guys really don't know how to have fun. Well, I'm gonna enjoy my time here" nagtawanan na naman dahil nag suot pa sya ng shade after nyang sabihin yun. Wala naman kasing araw, tsaka 3AM pa lang kaya. Ano purpose ng shades nya.

"Parang hindi man lang napagod si ate Emma sa OJT nya last week. Puno parin sya ng energy ngayon" sabi ni Richie habang tinutulungan nya akong i-akyat yung mga gamit ko sa bus na sasakyan namin.

Since natawag na kaming dalawa, pwede na kaming pumasok sa loob. Kahit ako gusto ko pang matulog.

After a while, natapos rin yung attendance kaya lahat ng ka-blockmates ko ay nandito na sa loob ng bus. And of course, magkatabi kami ni Richie. While sila ate Emma naman ay nasa ibang bus, syempre kasama nya ang iba pang 3rd years.

"Okay listen everyone! So this is our schedule for this day only" nagsalita na sa harap yung Professor na kasama namin sa bus. Pero may mga iba na natutulog na kagad kahit hindi pa umaandar yung yung bus namin. Mukhang nauna na nga umalis yung Engineering Department dahil sa tagal namin.

"If we got to the resort early, we will have a 30 minutes break for you guys to rest. And after that magt-tour tayo sa resort since it's pretty big at para wala na rin na maligaw kung saan-saan" naku maglalakad pa, pwedeng ipasok na lang sa loob ng resort itong bus? Malaki na rin naman daw yung resort eh.

"After the tour, we will have our lunch. Then pagkatapos nyong kumain ia-assign na kayo kung saan ang bedrooms nyo"

Napatingin naman ako kay Richie na lumalamon na kagad ng chips. Kakaandar pa lang namin nito ah.

"Wala akong almusal" napatawa naman ako, pero nagtakip ako ng bibig. Baka marinig pa ako ng Prof namin sa harap eh.

"At dahil karamihan babae ang nandito. Girls please, bilisan nyong kumilos! Kasi after nyo malagay ang gamit nyo sa bedrooms. Im-meet na natin ang owner and staff ng resort" nakakatawa nga eh, kasi kung makikita nyo yung mga dala ng lalaki, halos dalawang bag lang. Pero sa mga babae kala mo mga naglayas ng bahay sa sobrang daming gamit na dala.

"And after the meeting with the Owner, you are free to roam around but makes sure to go back before 7PM, Okay?" Naririnig ko pa lang yung gagawin pero napapagod na kagad ako. Unang araw pa lang naman kaya for sure hindi naman ganun ka-hectic yung mga gagawin.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon