Chapter 5 (Cooking Show)

33 2 11
                                    

Xyrill's POV

It's our second day here in the resort at mamayang hapon, magsisimula ang seminar namin. Mahalaga ang seminar na yun since ang mga speaker namin ay mga important staff nitong resort at maybe the owner too.

Tsaka yung seminar kasi namin hindi lang sya basta seminar na may magsasalita. May activities din kaming ginagawa lalo na kapag pinagawa ng mga speaker namin. Kaya hindi kami pwedeng antukin sa seminar na yun.

"Hindi ko mahanap yung ballpen ko! Mukhang naiwan ko pa ata" napatingin naman ako kay Mina, yung isa pa naming classmate. Nagr-ready na kasi kami para sa seminar mamaya. Kaya may mga dala dapat kaming papers and pens.

"Alam ko may free ata sa lobby, basta sabihin mo lang yung name ng school. Alam na nila yun" Sabi ni Richie habang nakahilata pa sya sa kama namin. Share kami ng kama eh.

"Ako na lang kukuha, mukhang naiwan ko rin yung akin eh" sabi ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Kuha mo rin ako para may extra ako hehe" inarapan ko naman si Richie, gahaman eh kala mo sya lang anak ng Diyos.

Nag request ako na ang kukuha para maka-gala rin ako, yung kahit tingin-tingin lang sa design nitong resort. Panigurado madaming malalaman yung Engineering Department sa construction nitong resort. Ano kaya ginagawa nila ngayon?

Hindi muna ako dumiretso sa lobby at naglakad-lakad muna. Habang nag m-muni-muni napansin ko naman yung Engineering Department sa labas nitong building na tinutuluyan namin. Nasa may garden area sila ngayon.

Nakita ko rin naman si Cavill na nakikipagtawanan sa mga classmate nya. Ang weird nila ni ate Emma kahapon ah. Napansin ko naman siya na may tinatap sa bracelet nya. Ano yun?

Mag gagala pa sana ako kaso anong oras na, baka naman bungangaan ako ng mga kasama ko eh. Tutuloy ko na lang mamaya.

Pagpunta ko sa lobby wala namang staff na nakabantay. Ano kaya yun? Nasan na tao dito?

"Hello miss, do you need something?" Napatalon naman ako ng konti ng may magsalita sa likod ko.

"Mr. Duncan!" Nag bow naman ako ng konti sa kanya. Teka ano gagawin ko? Hindi pa naman ako late sa seminar namin diba?

"A-ah.. h-hihingi po s-sana ako nung p-pen" gusto ko naman batukan yung sarili ko. Ano ba Xyrill wag ka kabahan.

"It's okay, relax *smile*" naramdaman ko naman ang pag init ng mukha ko. Ang... Gwapo hehe.

Pumasok si Mr. Duncan sa loob habang nakatayo ako sa harapan. Kukunin na ata nya yung pens.

"How many do you need?" Tanong nya sakin habang nakangiti. Hoy self kalma! Huwag kang bibigay kahit sobrang gwapo at maputi ang ngipin nya wag kang bibigay!

"Tatlo po hehe" tumalikod naman ako para di ako masyado tumitig sa kanya. Nung una nyang pakilala medyo wala pa akong pakialam. Pero ngayong harapan na, mukhang naintindihan ko na yung mga nagf-fangirl sa kanya.

"What's your name?" Napalingon naman ako sa kanya ng tanungin nya name ko. Bakit? Eto na na ba yun?

Mukhang napansin nya yung pagkunot ng noo ko.

"I need to put it in the log book *smiles*" mas lalo namang nag-init yung mukha ko dahil sa kahihiyan. Sorry naman, kala ko may spark na kami eh.

"Xyrill Roxas po" tumango naman sya at tsaka sya nagsulat sa log book.

"Nice meeting you Xyrill" natulala na ako ng tuluyan ng ngumiti ulit sya sakin. Ang unfair bakit may mga taong ganito? Nabiyayaan sila ng sobra samantalang ako mukhang patatas.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon