Xyrill's POV
Hindi pa ako lumalabas ng kwarto dahil medyo mabigat parin ang pangangatawan ko. Pero rinig na rinig mo dito sa loob yung mga yapak ng mga guards na naglalakad. The Palace is busy for some reasons.
Sumilip naman ako sa bintana nitong kwarto, pero wala naman ang nakita kundi yung mga halaman.
Nakita ko naman na natutulog sa gilid ng kama ko si Shin. I actually want to ask my 3 friends here about animal experimentation but I don't want to bother them anymore. They're been taking care of me since I came here.
At alam ko wala naman silang kinalaman dito.
"Lady Xyrill" napalingon ako kay Egilior na nasa harap ng malaking vanity mirror. Kitang-kita ang buong katawan mo kapag tumingin ka.
"I told you guys, just call me Xyrill. Hindi rin naman ako sanay tawagin na 'Lady' e" tumango na lang si Egilior habang nagr-ready na siya ng mga gagamitin.
Pag-upo ko sa harap ng vanity mirror. Kitang-kita naman ngayon sa salamin ang buo kung katawan. At syempre, nilait na naman ako nung salamin, nakalagay na naman dun sa salamin yung mga kulang o 'mali' sa mukha ko. After that, Egilior swiped her finger in the mirror.
Buti na lang walang ganito sa Earth. Lalo lang lalaki ang insecurity ng mga tao kung ganito yung mga salamin.
"Oo nga pala. Bakit kailangan kong mag-ayos? Ano meron?" Kita ko naman ang pag-taas ng kilay ni Krea habang nakatingin sakin.
"The other Arthya's are coming. And after they arrive, there will be a small welcome party for the all of you. Of course you should be prepared" this time ako naman ang napataas ang kilay.
Alam ko na darating ang iba pang Arthya dahil na rin sa sinabi ni Clovis, pero hindi ko alam na may welcome party pa.
Lumapit na rin samin si Krea habang dala-dala ang mga make-up and other stuff that will make me look presentable in the party. Habang si Egilior naman ang mag-aayos sa buhok ko.
Kita ko naman sa salamin na parang excited syang hawakan ang buhok ko. Napangiti na lang ako sa itsura niya.
"Don't get too excited. Dry ang buhok ko" nagtama ang tingin namin ni Egilior sa salamin at parehas kaming natawa. "Not really. But your black hair is really astonishing to look at. Sigurado akong lahat ng bisita sa party mapapatingin sayo" That's the worst! I don't want to be a center of attraction!
Nung nasa Earth pa ako, minsan hindi pa nga ako napapansin ng mga classmates ko na absent pala ako. Tapos ngayon dahil lang sa buhok ko sobrang attention na ang natatanggap ko.
I don't know if this hair will be my advantage or my disadvantage.
Bumukas naman ang pinto ng kwarto, si Phelis na may dala-dalang panibagong damit.
Akala ko ba small party? Bakit mukhang magsa-sagala ako sa dala nyang damit?
BINABASA MO ANG
Space Between Us
Ficção CientíficaXyrill always wondered if there are other lifeforms outside the Earth. But her questions will be answered after she got kidnapped by humans that live in the other side of the Galaxy. While she's in their world, she got caught up in a difficult situa...