Xyrill
                              
Tahimik na nakatingin ako sa dingding nitong bagong kwarto ko. Yung akala kong dating malaking kwarto ko. May ilalaki pa pala. Sabi sakin nila Krea ito daw talaga yung bedroom ng Empress. At sa sobrang laki nito kasya ang tatlong pamilya.
                              And speaking of Empress. Itong bagong kwarto ko ngayon ay malapit lang sa kwarto ng Emperor. Actually itong floor ng building ay dedicated lang sa kwarto ng Empress at Emperor.
                              Nandito rin yung office ng Emperor kaya lagi mong maririnig ang mga yapak ng royal guards or mga Knights na papunta sa office. Pero under construction daw ang part na iyon.
                              Ipa-panalangin ko na lang na every time na matutulog na ako ay hindi ko siya makasalubong. At buti na lang at mag kahiwalay ang kwarto namin. Hindi ko nga kaya tumingin sa kanya, mag sama pa kaya sa isang kwarto.
                              Teka, pag kinasal naman ako sa kanya hindi naman kami matutulog magkasama diba?
                              Teka nga lang. Wow. May na-realise ako.
                              In 3 weeks I will be wedded to the Emperor and will become an Empress. But until now hindi ko pa rin alam ang pangalan ng Emperor! I'm really going to marry a guy without even knowing his name? Does he even know my full name?
                              O parehas lang kaming walang pakielam sa isa't-isa?
                              Should I ask Krea his name? Oh wait. No. I have better idea. Ako ang magtatanong sa Emperor mismo. Para mawala rin ang takot ko sa kanya.
                              Si Asher kasi sabi niya mas safe dito. Hindi ko naman akalain na sa tabi mismo ng kwarto ng Emperor.
                              Bigla naman kumirot ang ulo ko.
                              Simula nung mangyari yung pag hawak ko sa kamay ni Asher. Sunod-sunod ang pag sakit ng ulo ko. I tried to think something else. Pero tuwing sumasakit ang ulo ko naaalala ko yung sa kanya.
                              Ang problema hindi ko alam ang ibig-sabihin nun. I mean, I just saw his bloody hands without any context.
                              Pwedeng may hinawakan siya kaya nagkaroon ng dugo yung kamay niya. Pwedeng sa kanya galing yung dugo. O ang malala may pinatay siya. I don't know!
                              Ayoko naman sabihin sa kanya hangga't hindi ako sigurado.
                              Umikot-ikot na lang ako sa kama ko dahil sa sobrang kakaisip. Bakit ba kasi ako nadamay sa Somniator na yan. I just want to live a normal life and die with my family beside me.
                              Bigla akong napatayo ng marinig kong bumukas yung pinto sa kwarto. Agad akong tumayo para sana magtago.
                              "Lady Xyrill?" Napahinga ako ng malalim ng makita ko si Phelis kasunod ni Egilior.
                              "Anong ginagawa mo?" Tanong niya ng makita niyang may hawak akong unan.
                              "A-ah wala, akala ko kasi kung sino pumasok. Kayo lang pala hehe" lumapit naman sila sa akin. "We got access to this room" tinutukoy niya yung finger recognition nitong kwarto. Mukhang na sama na yung kanila na pwedeng makapasok.
                              "Teka na saan si Krea?" Tanong ko habang naglalakad uli pabalik sa kama ko para ibalik yung unan.
                              "Inaasikaso niya yung information namin para dito sa Royals Domain" napatango na lang ako. Habang hinahandaan nila ako ng pagkain sa lamesa.
                              "This room is so big. Pwede bang dito na lang rin kayo matulog? Kasya naman tayong apat dito, sobra pa nga" napatawa na lang silang dalawa sa sinabi ko.
                              "We can't do that Lady Xyrill. But don't worry. Our quarters are also in this building. Lahat ng servants ng royal family ay nandito rin ang kwarto sa Royals Domain" Paliwanag sa akin ni Egilior.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Space Between Us
Science FictionXyrill always wondered if there are other lifeforms outside the Earth. But her questions will be answered after she got kidnapped by humans that live in the other side of the Galaxy. While she's in their world, she got caught up in a difficult situa...
 
                                               
                                                  