Chapter 29 (Preparation)

16 2 0
                                    

Xyrill

"Turn to your left" sumunod naman ako sa utos ng tailor. Right now I am being sized para sa susuotin ko sa Wedding.

At syempre akala ko gagamit sila ng measuring tape para sa panukat. Pero ang gamit nila ay isang malaking machine. I don't know how this thing will get my measurements pero bahala na sila.

Pagkatapos umikot sa buong katawan ko yung machine. Umupo yung mga nagsusukat sa harapan ko.

"Do you have any preference? Like any color or design?" Tanong niya sa akin. Marahan naman akong umiling sa tanong niya.

Wala naman kasi talaga akong maisip. And I didn't expect at the age of 20 I'm getting married.

Speaking of age. Bago ako kunin nila Asher malapit na nun yung birthday ko. Kung ikukumpara ko ang mga araw na nawala ako sigurado akong lumipas na yung birthday ko. Pero paano ko kaya malalaman yung birthday ko dito sa Sacania? Hindi na ba ako makakapag-celebrate ng birthday ko?

Lumapit naman si Krea at naglapag ng mga pagkain.

"How about something that will focus on your hair?" Tanong sa akin ni Krea. Napahawak naman ako sa buhok ko.

"Eh? I don't-"

"Why not? After all, you're the only one here who have black hair. I'm sure everyone in the wedding will be stunned by your beauty" Medyo nahiya naman ako sa sinabi ni Krea.

Kahit ilang beses ko sabihin sa kanila na normal lang yung buhok ko lagi nila ako hina-hype. And I would be lying to myself if I say that I didn't like being praised because of my hair.

Tumayo naman yung Tailor tsaka nag bow sa harap ko. "It is a great honor to be the one making your wedding dress. And meeting you, I'm excited to see you wearing my creation" napangiti naman ako sa sinabi niya.

Nabanggit din pala sa akin ni Krea bago kami pumunta dito na kakilala niya yung Tailor. They graduated from the same Academy.

"Lyla, how about practice hair dress with Lady Xyrill? Can they do it?" Tanong ni Krea sabay tingin sa akin.

"I don't mind" Halata naman sa mukha nila Lyla at ng team niya ang pagkagulat. Naalala ko tuloy sila Phelis at Egilior na excited din akong ayusan dati.

"This will be too hard! Everything will look good on your hair!" Sagot ni Lyla pero halata mo naman excited din siya.

Inayos ko ang aking buhok, simula rin ng mapunta ako dito medyo gumanda ang buhok ko. Malamang may nilalagay sila Krea sa pang ligo ko.

Umupo na ako sa harap ng malaking salamin. Kita kaming lahat sa salamin na'to. Habang si Lyla at ang team niya ay pumuwesto sa likod ko. Hindi naman nila mapigilan yung ngiti nila.

Bigla naman bumukas ang pinto, wala pala kami sa kwarto ko. Sa ibang building kami nagsusukat, syempre hindi sila pwede pumasok sa Royals Domain.

"We're sorry, its hard to get in. There's a lot of Royal Guard outside of this building. Looks like the Emperor is also here for his fitting" Sabi ni Egilior habang sinasara ang pinto.

"Ah yeah, we're also be fitting the Princes here. So it will get busy. I'm sure my boss will be the one fitting the Emperor" sagot ni Lyla.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon