Chapter 8 (New Face, New Name)

25 2 0
                                    

Xyrill's POV

Naglalakad-lakad ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Naging okay na rin kasi ang mga sugat ko sa binti at paa kaya pinayagaan ako ni Dr. Alfein na tumayo. Yun nga lang, hindi parin ako nakakalabas sa kwartong to.

Kahit sinabi ko kay Mr. Alfein na sisilip lang hindi nya ako pinayagan magagalit daw ang prinsipe.

Sumasakit talaga ulo ko sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung ako ba ang baliw o sila?

Prince? Ship? Space? Kidnap?

Kung kailangan nila ng tao sa earth, ang dami nilang pwedeng kunin pero bakit ako? I didn't know that I'm special to the point na kukunin ako ng mga ... ano ba itatawag ko sa kanila?

Nakailang-ulit na akong sampal sa mukha ko para magising sa bangungot na to kung hindi lang ako pinigilan ng mga nurse.

Napansin ko lang ah, bukod sa puting buhok. Ang g-ganda't gwapo nila. Bakit ganon? Kakaiba rin mga mata nila, merong blue, gold, green.

Tsaka yung mga medical equipment dito sa kwarto, kakaiba. Puro magnets nga lang nakadikit sa katawan ko, wala man lang dextrose.

Bumukas ulit yung pinto sa kwarto kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Please wear this" utos sakin ng nurse tapos may binigay sya sakin damit.

Hindi na ako nakapag-tanong dahil umalis na kagad sya sa loob.

Kahit hindi ko alam kung para saan, pumunta ako sa CR nitong kwarto para i-suot itong binigay ng nurse sakin.

Pagtapat ko sa salamin, nandiri naman ako sa itsura ko. Grabe anong buhok to? And wow, ang oily ng face.

Nilapit ko pa yung mukha ko sa salamin para laitin yung mukha ko.

*Beep*

Napaatras ako ng biglang may lumitaw na letters sa salamin. What the?

Tinitigan ko lang yung salamin habang ini-scan nito ang mukha ko. Pagkatapos mag-scan may lumitaw na panibago sa gilid ng salamin. Parang computer na hologram na ewan!

"Acne, Dark spots, Oily face, dry lips" aray ha? hindi ko na pala kailangan laiitin ang sarili ko e! Yung salamin na pala gagawa sakin. Literal na harapan ang panglalait sayo dito.

Kahit nakaka-bwiset yung salamin, in fairness ang ganda ng technology nila ah.

Next kong tinignan yung inidoro, syempre baka mas malala pa ito kaysa sa CR sa Japan na aabutin ka ng ilang araw bago mo malaman gamitin.

Tinitigan ko naman yung inidoro, hmm, parang same lang sila ng sa Japan eh.

Pasensya na kung parang ignorante ako dito, kanina ko lang din kasi to napuntahan. Ewan ko kung paano nila ako pinaliguan nung isang araw.

Binilisan ko ang pagbihis at humarap ulit ako dun sa judgemental na salamin.

Binilisan ko ang pagbihis at humarap ulit ako dun sa judgemental na salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon