Chapter 41 (Loyalty)

13 1 0
                                    

Xyrill

Napahikab ako habang nilalagay ni Krea ang breakfast ko. Nandito ako sa malaking garden ng Palace. Gusto kong kumain dito, sobrang bagod na kasi ako sa loob ng Domain.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Tanong sa akin ni Krea tsaka siya umupo sa harap ko.

Umiling naman ako bilang sagot. After my conversation with the Emperor there is something bothering me.

If the Palace is keeping the burried bombs as a secret, then who sent that document? At paano nila nalaman na may mga bomba nga? I don't know if the Emperor thought of that.

Tinanong ko rin si Herra tungkol sa sinasabi ng Emperor na 1 week travel na kasama ako.

It's just like a tour that we have to do to officially claim our authority to the whole world since the last country has been conquered. So the whole Sacania is now under the ruling of Abydos Empire. Under our ruling.

Napakamot naman ako ng ulo. Groupings pa nga lang nas-stress na ako, mag handle pa kaya ng buong mundo? I slouch on my chair.

"Kumain ka na, you still need to drink your medicines" Paalala naman ni Egilior. And for some reasons the medicine they're giving me works so well. Because normally, pag may sakit ako tumatagal ng 2-3 days.

Napatulala na naman uli ako sa isang tabi. The Emperor will definitely give orders to kill me. Maybe, I can change that future? I need to plan how I will not die in his hands.

Habang nakatulala, napansin ko ang pag tayo nila Krea sa kanilang upuan at marahan bumati sa bagong dating.

Agad naman akong lumingon.

"Astrid!" I exclaimed. And I immediately give her a concerned hug.

"Okay ka lang ba? Hindi ka naman napano? Kahit nagkikita tayo feeling ko ang tagal na nating hindi magkasama" Ngumiti naman siya sa akin.

"I should be the one asking you, how are you doing? You caught a fever right?" Hinatak ko naman si Astrid para umupo at kumain kasama ko. Ini-ready naman ni Phelis at Egilior ang kakainin niya.

"I'm doing fine, medyo nahihilo lang pero kaya naman" Ngumiti naman siya uli sa akin. Why do I feel like there's something she wants to say?

"I know you're still recovering but do you want to go to my sister's funeral?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Astrid. Hindi ko alam na may kapatid pala siya, pero funeral? Patay na kapatid niya?

"Oo naman" Maikli kong sagot.

***

Tahimik kaming dalawa ni Astrid habang nakatingin sa nasusunog na kabaong. Katulad ng sa dating Emperor at Empress. Ang pinagkaiba lang, kami lang dalawa ni Astrid ang nasa loob.

Habang papunta kami dito, in-explain sa akin ni Astrid ang nangyari. Her sister is one of the victims of illegal experimentation. At dahil sa mga iba't-ibang kemikal sa katawan ng kapatid niya, kailangan ito sunugin.

Nilipat ko ang aking mata sa screen kung saan naka-display ang picture ng kapatid niya.

"She looks like you" I said to Astrid. She's not crying but her silence says a lot. Ayun lang ang nasabi ko kasi hindi rin naman ako magaling mag comfort ng tao.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon