Chapter 25 (Visions)

14 2 0
                                    

Xyrill

"Are you alright?" Napalingon ako kay Egilior ng tanungin niya ako. "Simula pag labas mo sa Domain parang wala ka sa sarili" dagdag niya pa.

Ayun na nga, pagkatapos ko hawakan yung puno sa loob ng Domain parang ang dami kong panaginip. Yung iba naalala ko pa pero karamihan sa kanila nakalimutan ko. Kaya rin siguro ang sakit ng ulo ko.

"I didn't know na may ganoon sa Aes Sidhe" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Krea.

"May tanong ako" lahat sila ay natutok ang atensyon sa akin.

"The Elders mentioned that the Emperor orders didn't matter on Aes Sidhe. Ano ibig-sabihin nun?" Tumikhim pa si Krea at napatingin sa Camera na nandito sa loob ng kotse.

"We told you that the Abydos Empire govern almost the whole Sacania. But not Aes Sidhe" Mas lalong napakunot ang noo ko. Bakit hindi sila under ng Abydos?

"But don't get it wrong. Kahit hindi sila kasama sa Abydos. They're still under protection of the Empire" I don't get it. Kung hindi naman pala nila under ang Aes Sidhe, bakit pa sila magsasayang ng oras para protektahan ito?

"Why?" Ayun na lang ang natanong ko sa kanila. Halata naman sa mukha nila na parang ayaw nila sabihin sa akin. Ayaw sabihin o dahil may nakikinig?

"I think we are not the right people to say it to you. Since nasa palace ka na, you can just ask the Princes" Napatango na lang ako sa sinabi nila.

"Can I ask what's inside the Domain? Hindi kasi kami aware na may ganoon sa Aes Sidhe" okay lang naman sa akin na sabihin yun sa kanila. Ang hindi ko lang sure kung sasabihin ko kung ano yung nakita ko after ko hawakan yung puno.

Hindi ko maalala yung iba pero may mga nakita ako na hindi magagandang pangyayari.

"There are a lot of weird stuff inside. Para siyang laboratory. Akala ko nga may monster sa loob pero isang puno lang nakita ko" Kwento ko sa kanila.

"Tree? That's so random. And why would a tree grow inside of that Domain?" I just shrugged my shoulder because I don't even know.

***

"I just got a message from Byzantia. In 3 minutes they will be here with Lady Xyrill" Sabi ni Vasco habang naghihintay sila sa harap ng main gate ng Palace para salubungin si Xyrill. Kasama nila ang napakaraming royal guards dahil na rin sa nangyaring pag trespass ng isang spy.

Kasama ni Vasco si Leif at Zogofros sa paghihintay. Habang ang natitirang Knights ay kasama ng Emperor sa loob ng Royals Domain.

"The Emperor ordered us to bring her to the Counselors immediately" dagdag ni Zogofros. Habang tahimik lang na nakikinig si Leif.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang kanilang hinihintay. Naunang mag lakad si Leif para pag-buksan si Xyrill ng pinto.

"What happened to the spies?" Tanong ni Byzantia pagkababa nila ng sasakyan. "Dungeon" maikling sagot ni Vasco.

"You guys go first to the Emperor" tumango ang tatlong Knights na kasama ni Xyrill at naunang umalis.

Paglabas ni Xyrill, napansin niya kaagad ang napakaraming guards na nakaabang sa kanila ngayon. "Anong meron? Bakit ang daming royal guards?" Tanong niya kay Leif.

"Don't mind them. Come on, you have to go somewhere" Pinauna siya ni Leif maglakad habang sumu-sunod ang tatlong Knights sa kanyang likod.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon