Chapter 30 (One Bad Night)

14 2 0
                                    

Xyrill

This past few days, naging sobrang busy na ng buong palasyo. Malapit na rin kasi ang Wedding. Kahit nga sila Leif at Astrid hindi ko pa uli nakikita. Makakasalubong ko lang sila pero hindi ko nakakausap dahil na rin sa mga gagawin nila.

Kahit ako ang dami ko rin pinupuntahan. Pagkatapos ng fitting ko para sa wedding gown. Mas marami pa akong ginawa. Sabi nila Krea normally sa labas ng Palace ginagawa yung mga preparation for this kind of events. Pero dahil nga sa spy na nahuli nila, mas pinili na lang na sa Palace gawin.

Nakakapagtakha lang since sa Palace naman nila nahuli yung mga spy.

"This serum will make your skin glow. We are aware that our normal serum might be too harsh on your skin so we did our best to work with the Health Department of the Palace to make the perfect serum for you, Your Highness"

Sabi nung lalaki sa akin, at tsaka ginamit ang machine para lagyan ng serum yung mukha ko. Yes, this is what the preparation I'm talking about. It's like I'm getting a whole body make over.

Hindi pa kami kasal ng Emperor pero tinatawag na nila akong 'Your Highness' or 'Empress' medyo nakakailang lang since hindi naman ako sanay na tawagin ng ganoon.

Lalo na kahapon, the body massage. I think that's my favourite invention here on Sacania. The body massage is really good. The sound I made that time was really unexpected, I never thought I will hear those sounds coming from me.

Ngayon nila to ginagawa dahil 3 days from now. It's my wedding.

Nung isang araw naman, sobrang excited ng mga naga-ayos sa akin. Naka-assign sila sa buhok ko. At halos kuminang yung mga mata nila ng makita nila yung buhok ko. And now, my hair is so smooth and silky. Hindi ko alam kung anong ginawa at nilagay nila sa buhok ko pero sobrang effective.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto pero hindi ako makalingon dahil sa machine na nasa mukha ko.

"Sorry for interrupting" Teka, si Speros yun ah? What is he doing here?

"It's alright Mr. Speros we're almost done here" sagot naman ng lalaki. After a minute inalis din niya yung machine na nagm-massage nung mukha ko. Umangat yung hinihigaan ko para makatayo ako.

"I have something to say regarding the wedding. I'll wait outside of your office" Sabi niya tsaka rin lumabas. Naka-robe kasi ako ngayon, panget naman kung kakausapin ko siya ng nakaganito.

And yes may sariling office ako, nasa same floor lang din ng kwarto namin ng Emperor. Nung mga nakaraang araw ko lang din nalaman na may office ako. And it looks amazing, feeling ko isa akong CEO ng isang Company.

Tinulangan ako ng lalaki para makatayo tsaka ako dumiretso sa dressing room para mag palit ng damit. And of course ang mga damit ko ngayon akala mo laging aalis. Pero mukhang normal lang sa kanila yung ganito.

Paglabas ko, nakita kong naga-abang si Phelis sa akin. Lumapit ako sa kanya tsaka siya ngumiti sa akin.

"You look beautiful as always Lady Xyrill" bati niya. Napatawa naman ako. "Gumagaling ka na sa pangb-bola mo ah" sagot ko kaya sabay kami tumawa.

Naglalakad lang kami, kaya medyo natagalan kami sa pag balik sa Domain. Isama mo pa ang mga taong bumabati sa akin tuwing makikita ako.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon