Chapter 7 (Dreamer)

27 2 0
                                    

3rd Person's POV

Sobrang dilim.

Sobrang nanghihina ang katawan ko.

Kahit na nanghihina, pinilit na iginalaw ni Xyrill ang mga kamay nya. Kasabay nun ang pagbukas ng kanyang mata.

Sumalubong naman sa kanya ang mga ulap sa langit. Pinakiramdaman nya rin ang paligid, dun nya napansin na nakahiga sya sa damo.

Napabangon naman sya ng maalala ang nangyari sa kanya sa hotel, ngunit ang nakita nya lamang ay ang malawak na damunan.

Napansin nya ang mga galos at sugat sa braso nya ngunit ininda nya ito at pinilit na tumayo.

"Tulong" mahina nyang bigkas. Naglakad-lakad sya sa paligid, nagbabaka-sakaling may makita syang tutulong sa kanya.

Habang naglalakad, nakirinig sya ng mahihinang hikbi ng isang babae.

"May tao ba dyan? Tulungan nyo ako" kahit paika-ika, sinundan nya ang boses na naririnig nya.

Sa 'di kalayuan, nakita nya ang isang babaeng nakatalikod sa kanya at umiiyak.

Agad naman syang lumapit sa babae para mahingan ito ng tulong at ng malaman nya rin kung bakit umiiyak ang babae.

"Richie!" Sigaw nya ng mamukhaan nya ang babaeng umiiyak. Napansin nya rin ang i-ilang sugat nito sa katawan.

"Richie? Why are you crying?" Tanong nya kay Richie ngunit parang hindi sya nito naririnig at patuloy lang sa pag-hikbi.

"Richie ano b-" napatingin naman si Xyrill sa kanyang kamay ng hindi nya mahawakan si Richie. Tumagos lang ang kamay nya sa balikat ni Richie.

Kahit nagtatakha nakarinig na naman sya ng mga panibagong mga boses na umiiyak.

Nakita naman nya sa kaliwa ang kumpol ng tao na nakasuot ng puting damit. Doon nya rin napansin na naka-puting damit rin si Richie.

Kahit kinakabahan, dahan-dahang lumapit si Xyrill sa mga tao na nakita nya. At dun nya nakita ang pinaka-masakit na salita narinig nya.

"Xyrill anak ko!" Nakita nya ang kanyang ina na umiiyak sa harap ng isang lapida. Hearing her mother's cry breaks her heart the most.

She covered her mouth and her eyes started to water when she finally realized where she is.

Her own funeral.

There, she saw her two sisters crying and her other relatives. Nandun din ang mga kaklase nya na may mga sugat din at nag-iiyakan.

Xyrill started panicking and screaming. She starts to feel all the emotions. Fear, confusion, sadness.

Napahawak naman sya sa kanyang ulo ng magsimulang sumakit ito at unti-unti syang nawalan ng malay.

.

.

.

"Her eyes are open"

"All her signs are stable, there's nothing to worry"

"Why did you let this happen?"

Dahan-dahang minulat ni Xyrill ang kanyang mga mata, puno ang katawan nya ng mga sugat at pasa. Marami rin ang nakakabit sa kanyang aparato.

Xyrill roamed her eyes around the room, until she realized that she's inside of a glass.

Inangat nya ang kanyang kamay para hawakan ang salamin na nakaharang sa kanya. But she started to panicked when she remembered her dreams and she slammed the glass in front of her.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon